Julia low-key pa rin ang relasyon kay Coco

September 30, 2022 Aster Amoyo 158 views

MATAPOS mapanood sa finale episode ng top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ang 27-year-old actress na si Julia Montes, muling mapapanood ang rumored sweetheart ni Coco Martin sa upcoming action-thriller movie na “Topakk” na kung saan tampok din sina Arjo Atayde, Sid Lucero, Vin Abrenica, Pocholo Barretto, Paolo Paraiso, Kokoy de Santos at iba pa na pinamamahalaan ni Richard Somes.

Bago sinimulan ang nasabing pelikula ay sumailalim si Julia ng immersion training.

Unang nagpakita ng husay sa mga action scene si Julia nsa 2018 afternoon series na “Asintado” na sinundan ng naudlot na action, crime and drama series na “24/7” na pinagsamahan nila nina Arjo Atayde, JC Santos, Edu Manzano at iba pa.

Sumailalim din si Julia ng training hindi lamang kay Coco kundi ng iba pang action trainors nang siya’y sandaling maging bahagi ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Kay Julia namin nakikita ang bagong Angel Locsin pagdating sa action scenes.

Samantala, si Julia ay magiging bahagi rin ng “FPJ’s Ang Probinsyano” tour in the US this October na pangungunahan ni Coco with Jodi Sta. Maria as special guest.

Isisingit na rin nina Coco at Jodi ang pagsu-shoot ng ilang eksena sa Amerika para sa kanilang Metro Manila Film Festival movie na “Labyu with Accent” na si Coco rin ang director.

Although matagal nang napapabalita ang relasyon nina Coco at Julia, they have yet to confirm the status of their relationship. Nananatili pa ring low-key ang relasyon ng dalawa.

Coco will be celebrating his 41st birthday on November 1.

GabbiGabbi1

Gabbi chaperon ang nanay sa US trip nila ni Khalil

DREAM-come-true para sa magkasintahang Gabbi Garcia (23) at Khalil Ramos (26) ang kanilang first trip together in California, USA kung saan napuntahan nila ang mga kilalang scenic spots including The Grand Avenue, The Getty Center, the Maude Restaurant in Beverly, Disneyland in Anaheim, Joshua Tree National Park in Southeastern California, the wine-tasting and safari trip in San Diego, The Golden Gate in San Francisco at marami pang magagandang lugar.

The young Kapuso sweethearts were accompanied by Gabbi’s mom, Tes, who is a flight attendant na siya ring tumayong photographer ng dalawa.

Khalil feels his California trip with Gabbi surreal.

Although matagal na ang relasyon nina Gabbi at Khalil, wala pa umano sa kanilang immediate plans ang pag-aasawa dahil bukod sa bata pa sila, marami pa silang goals na gustong matupad.

Gabbi is turning 24 on December 2.

Jericho at Piolo magsasama sa concert tour sa US at Canada

KAHIT sa New York, USA na naka-base si Jericho Rosales with wife, Kim Jones, bukas pa rin ang singer-actor sa mga project sa Pilipinas.

Speaking of Jericho, nakatakda itong magkaroon ng reunion concert tour with his fellow Kapamilya singer-actor na si Piolo Pascual sa Amerika at Canada.

On November 4, sina Piolo at Echo ay nakatakdang magtatanghal sa Vogue Theatre in Vancouver, Canada at November 5 sa Convention Centre in Calgary, Canada.

On November 12 ay mapapanood ang dalawa sa Dunham Theatre in Houston, Texas, USA at kinabukasan, November 13 ay magtatanghal naman sila sa Hard Rock Hotel & Casino in Sacramento, California.

Ngayong bukas na ang entertainment circuit globally, ratsada na rin ng mga Filipino entertainer sa iba’t ibang concerts and shows particularly sa USA and Canada na kung saan, ang mga Filipino ay nasabik matapos ng more than two years pandemic.

Vilma

Ate Vi may bagong commercial, pelikula at apo

BABALIKAN na ng actress-politician at Star for All Seasonsna si Vilma Santos ang paggawa ng pelikula. Matagal niya itong isinantabi matapos mag-focus sa kanyang political career na umabot ng 24 taon.

Si Vi ay nakatakdang gumawa ng pelikula under Reality Entertainment ng business partners na sina Direk Erik Matti at Dondon Monteverde. Ang hindi pa malinaw ay kung si Direk Erik o iba ang magdidirek ng comeback movie ni Vi.

Huling napanood si Vi sa pelikulang “Everything About Her” na dinirek ni Joyce Bernal under Star Cinema na tinampukan din nina Angel Locsin at Xian Lim.

Hindi rin ikinakaila ni Ate Vi na nasa bucket list umano niya ang pagdidirek ng pelikula balang araw.

Pero ang isang ikina-i-excite niya ngayon bukod sa gagawin niyang pelikula ay ang pagiging malapit na niyang maging granny sa panganay ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Ang isa pang pinagkakaabalahan at ini-enjoy gawin ni Vi ay ang kanyang pagiging YouTuber na naimpluwesyahan nina Luis at Jessy.

Vi has already 452K subscribers and growing.

Meron na rin siyang bagong TV commercial.

As to her plans na bumalik sa pulitika, ayaw na muna ito isipin ni Ate Vi sa ngayon.

Jake

Jake walang malayo o malapit para kay Ellie

WALANG malayo o malapit sa 32-year-old actor na si Jake Ejercito pagdating sa kanyang kaisa-isang anak (sa actress na si Andi Eigenmann) na si Ellie.

When Ellie toured with her mom, stepdad na si Philmar Alipayo and two half-siblings in Europe, Jake fetched her in Spain to join him and his family for the rest of the tour.

Nakita ang mag-ama na namasyal sa La Sagrada Familia in Barcelona, Spain at iba pang lugar.

Si Jake ay kasalukuyang napapanood sa primetime hit TV series na “A Family Affair” kung saan tampok din sina Ivana Alawi, Gerarld Anderson, Sam Milby at Jameson Blake.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE