Angelica2

John Prats ring bearer sa star-studded na kasalang Angelica-Gregg

April 21, 2024 Vinia Vivar 76 views

Star-studded ang ginanap na second wedding nina Angelica Panganiban at businessman Gregg Homan sa Inara Beach Resort in Siargao last April, 20.

Sa mga dumalong celebrities, siyempre ay hindi mawawala ang BFFs ni Angelica na sina Kim Chiu at Bela Padilla ng AngBeKi squad.

Naroroon din sina Anne Curtis, John Prats, mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, Glaiza de Castro, Maxene Magalona, Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Ketchup Eusebio, Smokey Manaloto and Kean Cipriano, among others.

Sa Instagram post ni Juday ay sinabi niya na masaya siya para kay Angelica.

“Ramdam na ramdam ko ang kaligayahan ng puso mo… napakasaya ko para sayo mahal kong cindy.. andito lang ang pamilya agoncillo palagi para sa pamilya homan.. mahal na mahal namin kayo,” caption ni Juday sa wedding photos na kanyang in-upload sa Instagram.

Sa post naman ni John Prats ay sinabi niya na siya ang naging ring bearer sa kasal ng kaibigan.

“To my Pets! Sobrang saya naming lahat para sa inyo ni @gregg_homan Sobrang saya din ng mga puso namin na makita ang mga ngiti nyo! Mabuhay ang bagong kasal! It was an honor na naging ring bearer nyo ako. Love you,” mensahe ni John sa mag-asawa.

Sa post naman ng celebrity wedding photographer na si Pat Dy, ikinuwento niya kung gaano kasaya ang kasal.

“So much love shooting Gregg and Angelica here in Siargao. It had the chillest vibe anyone could hope for. Everyone was having fun from start to finish. The sun and cool breeze kept everyone staying fresh the whole afternoon.

What a day… Time to party!” saad ng photographer.

Matatandaan na unang ikinasal sina Angelica at Gregg sa isang intimate ceremony noong Dec. 31, 2023 sa Los Angeles, California.

AUTHOR PROFILE