Richard

RICHARD ‘GOOD DADA’ — RUFFA

April 21, 2024 Vinia Vivar 64 views

“Steady lang.”

Ito ang caption ni Richard Gutierrez sa kanyang ipinost na mga larawan at video nila ng dalawang anak na sina Zion at Kai.

Tila ipinasyal ni Chard ang dalawang bata nitong nakaraang weekend dahil makikita sa photos and video na naglalaro silang mag-aaama sa isang malawak na playground.

Sa video ay makikitang nagsu-shoot si Kai ng bola at ini-encourage naman siya ng kanyang ama.

“Nice one, Kai!” ani Chard.

Sa comment section ay marami ang pumuri sa pagiging mabuting ama ni Richard at isa na rito ang ate niyang si Ruffa Gutierrez.

“Good Dada,” comment ni Ruffa.

“Handsome father and son. Sweet,” sabi naman ng isang netizen.

“Nice bonding time with the kids,” reaksyon ng isa pa.

Masaya rin ang kanyang fans na makitang consistent naman na nakakasama ni Chard ang dalawang bata kahit na hiwalay na sila ng ina ng mga ito na si Sarah Lahbati.

Matatandaang sa mga past interview ni Sarah ay nabanggit niya na maayos ang co-parenting set-up nila ni Richard sa kanilang dalawang anak.

AUTHOR PROFILE