Casey

Admin ng hacked FB ni Cassy bumuwelta: Please do not be misled by false claims

April 21, 2024 Vinia Vivar 72 views

Active na active pa rin ang hacked Facebook account ni Cassy Legaspi hanggang ngayon kahit na nilinaw na nga ng aktres na noong 2021 pa ito na-hack at hindi na niya ito hawak.

Panay pa rin ang post ng hacked FB page ni Cassy ng mga photo at video ng aktres. Ang nakakaloka pa, itinanggi nilang na-hack ang account.

Post ng hacked FB page ni Cassy, “It has come to our attention that the hacked Instagram account (@cassy) falsely claimed that our Facebook page is hacked. We want to clarify that this is completely untrue. Our Facebook page is secure and has not been compromised in any way.”

Babala pa nito, “Please do not be misled by these false claims.

We are actively working to regain control of our Instagram account and resolve this situation.”

Nirepost ito ni Cassy sa kanyang Instagram at muling nilinaw na hindi na kanya ang FB account.

“Ayaw talaga tumigil yung hacker. THAT FACEBOOK PAGE IS HACKED. I am NOT in control of that account anymore,” ang pahayag ni Cassy.

Ang sinasabi ni Cassy na na-hack na FB account niya ay kasalukuyan nang may 21 million followers.

Gumawa na siya ng bagong FB na sa ngayon ay may 52,000 followers.

Pero sa totoo lang, nalilito na rin kami kung alin ba talaga ang hacked account at alin ba ang totoo.

AUTHOR PROFILE