Joem

Joem father figure sa mga anak ni Meryll

January 14, 2024 Aster Amoyo 249 views

Joem1SIXTEEN years old na ang panganay na anak ng aktres na si Meryll Soriano na si Elijah Pineda Palanca, anak ng aktres sa kanyang actor ex-husband na si Bernard Palanca at panganay na apo ng TV host, actor, producer and businessman na si Willy Revillame.

Si Meryll at Bernard ay ikinasal nung 2006 pero limang buwan lamang tumagal ang pagsasama ng dalawa at ito’y nauwi sa hiwalayan.

Taong 2010 nang magkaroon ng relasyon si Meryll sa actor na si Joem Bascon pero hindi rin tumagal ang kanilang relasyon at nagkahiwalay din ang dalawa.  Pero nung 2019, muling nagsama ang dalawa sa Metro Manila Film Festival movie na “Culion” at doon muling nabuhay ang kanilang dating relasyon.  Muling nagkabalikan ang dalawa  at nagkaroon ng bunga ang kanilang relasyon,  si Gideon na isinilang nung December 2020.

Elijah plays big brother to his three-year-old half-sibling. Dalawa na bale ang apo ni Willie sa kanyang panganay na anak na si Meryll.  The TV host and businessman has two other children sa magkaibang babae.   Ang dalawa pang anak ni Willie ay sina Marimonte Shanelle at Juamee Revillame, anak ni Willie sa kanyang second ex-wife na si Liz Almoro na may iba nang pamilya ngayon.   The TV host-producer was first married to actress Princess Punzalan na may iba na ring pamilya sa Amerika.

Although matagal nang hiwalay si Willie sa kanyang pangalawang dating misis na si Liz, tahimik ito ngayon pagdating sa kanyang lovelife.

Samantala, hindi naman ikinakaila ng actor na si Joem na tumatayo umano siyang father figure sa panganay ni Meryll sa ex-husband nitong si Bernard Palanca na si Elijah at Papa ang tawag nito sa kanya.  Pero malinaw sa teen-age son ni Meryll na si Bernard ang kanyang biological father.

So far, maganda ang relasyon nina Meryll at Joem kasama sina Elijah at Gideon because they make it work.

Derek at Ellen di pa rin nawawalan ng pag-asa

DerekDerek1Derek2Derek3HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ng kanilang pangarap na magkaroon ng sarili nilang anak na kamuntik nang maisakatuparan kung hindi lamang nagka-miscarriage ang aktres nung isang taon.

Derek has a 20-year-old son na si Austin sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly na sa Dubai naka-base where she raised her son until he was 14.  When he turned 14, he moved to his father (Derek) sa Pilipinas but gets to visit his mom in Dubai every once in a while.  Si Ellen naman ay may 5-year-old son sa kanyang ex-boyfriend, ang actor na si John Lloyd Cruz.

Derek treats Elias just like his own son pero hindi nito inaagawan  ng role at karapatan si John Lloyd bilang biological dad ng bata.

Whenever Derek and Ellen travel abroad, parati nilang kasama si Elias who treats his stepfather his second dad.

Si Derek ay may 2023 Metro Manila Film Festival entry, ang “K(ampon,” kung saan niya kapareha si Beauty Gonzalez,  best friend ng kanyang misis na si Ellen.

Inah at Jake film producers na

InahKAPUSO  actress Inah de Belen and Kapuso actor Jake Vargas are now film producers matapos nilang i-put up ang sarili nilang film production, ang Visionary Production.  Dito ay kasosyo nila  ang director na si Elaine `Alex’ Crisostomo, Bea Glorioso, Thea Tolentino at Uno Juan.   Tumatayo namang line producer ang Entablado Production USA at Ilaw Media.  The new film production has already produced “Sentimo” na nasa post production na at  nakatakdang ipalabas this year habang sinu-shoot nila ngayon ang “Pilak” kung saan tampok na mga bituin ang sister ni Inah na si Kaila Estrada at ama nilang si John Estrada at kung saan din kasama sa cast ang magkasintahang Inah at Jake.

Excited ang magkasintahang Inah at Jake who are also both social media influencers sa kanilang itinayong business.

Although hindi pa naipapalabas ang kanilang first movie na “Sentimo” at pangalawng pelikulang “Pilak,” may mga naka-line-up na silang ibang projects for this year.

Seryoso ang magkasintahang Inah at Jake sa kanilang pinasok na negosyo sa tulong ng kanilang ibang business partners.

Si Inah ay panganay na anak ng dating mag-asawang Janice de Belen at John Estrada.  Siya bale ang unang pumasok sa showbiz sa kanilang magkakapatid at sumunod naman si Kaila.

Natutuwa at very supportive naman ang estranged parents ni Inah na sina Janice at John na pareho pa ring humahataw ang respective careers.

Si John ay regular na napapanood sa tumatakbong hit primetime action-drama TV series na “FPJ’s ang Probinsyano” habang si Janice ay may bagong movie under Viva Films, ang “Roadtrip” kung saan niya kabituin ang sister niyang si Gelli de Belen at mga kaibigang sina Carmina Villarroel at Candy Pangilinan na pinamahalaan ni Andoy Ranay at showing na ngayong Miyerkules, January 17 sa mga sinehan nationwide.  Hindi rin siya nawawalan ng TV series.  Pagkatapos ng hit primetime TV series na “Dirty Linen” last year, si Janice ay muling mapapanood sa upcoming primetime TV series na “What’s Wrong with Secretary Kim,” ABS-CBN’s  adapttion ng 2018 K-Drama series of the same title.  Ito’y pagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na siya ring mga pangunahing bituin sa hit series na “Linlang” kung saan kasama si Kaila Estrada.

Although parehong Sparkle GMA Artists sina Inah at Jake, parehong excited ang dalawa sa kanilang unang business venture as film producers.

Mga anak ni Janice nakaka-proud

JaniceJanice1DURING the presscon ng “Roadtrip” na pinagbibidahan ng magkapatid na Janice at Gelli de Belen kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Carmina Villarroel at Candy Pangilinan na dinirek ni Andoy Ranay fro Viva Films, inamin ni Janice na natutuwa siya sa dalawa niyang anak (sa ex-husband na si John Estrada) na sina Inah at Kaila na pareho nang gumagawa ng sarili nilang pangalan sa industriya.

“Bilang ina, narito ako para gabayan sila,” pahayag ni Janice.

“Nagbibigay ako sa kanila ng advise at kasama na rito ang kanilang pagiging professional sa kanilang trabaho, ang pagbibigay galang sa mas nakatatanda sa kanila, pakikipag kapwa-tao at pagiging ready kapag sila’y nag-report sa set,” dagdag pa ng aktres at dating TV host.

“Never naman mawawala ang role ko as a mother to my children kahit malalaki na sila,” aniya.

Si Janice ay may apat na anak sa kanyang dating mister na si John Estrada na sina Inah, Moira, Kaila at Yuan pero ang kanyang pinakapanganay ay si Luigi (Igi Boy) na anak niya sa actor na si Aga Muhlach.  Si Luigi ay isang chef at may sarili na ring pamilya at mga anak.   He’s married to Patty Muhlach at meron na silang apat na naggagandahang mga anak na sina  Alejandro, Adriana, Anya at Ariella kaya parehong young grandparents na ngayon sina Janice at Aga.  Aga is of course happily married to former beauty queen-actress na si Charlene Gonzales at may grown-up twin children na sina Andres at Atasha.  Si Andres ay nag-aaral sa Spain habang si Atasha na nagtapos ng kanyang pag-aaral sa London ay pumasok na rin sa showbiz at palagiang napapanood ngayon sa noontime program ng TV5, ang “Eat Bulaga” na pinangungunahan ng veteran TV hosts na sina former Senate President Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

Si Atasha ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency.

Mga labi ni Mario nakalagak sa Loyola Memorial Chapels

MarioANG mga labi ng yumaong  respetadong veteran journalist, entertainment columnist at film critic ng People’s Journal  na si Mario Bautista na sumakabilang buhay nung alas-otso ng umaga ng  January 13, 2024 sa edad na 77 ay nakaburol ngayon sa Loyola Memorial Chapels along Don Mariano Marcos Avenue corner Damayan St., Commonwealth in Quezon City mula ng alas-11 ng umaga ng January 14 (Sunday) hanggang January 18.  Ang cremation ay gaganapin on January 19 at 9 a.m. at ang inurnment ay sa ganap na ala-una ng hapon sa Loyola Memorial Park in Marikina City.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.  Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE