Ogie

Ogie, kinilig sa pagpayag ni Odette sa back-to-back V-Day concert

January 14, 2024 Ian F. Fariñas 156 views

AMINADO ang OPM hitmaker/singer-songwriter na si Ogie Alcasid na malaking bahagi ng childhood niya ang mga kantang isinulat ng OPM icon na si Odette Quesada, lalo na nga ang To Love Again ni Sharon Cuneta.

Kaya naman ganu’n na lang ang tuwa at kilig niya nang mabalitaan na pumayag itong makipag-back-to-back Valentine concert sa kanya, Love, Q & A, sa February 14 at 15 sa Newport Performing Arts Theater.

Sa isang intimate chikahan kasama ang entertainment press kamakailan, ikinuwento ni Ogie na last year siya nilapitan ng producer nilang si Nancy Yang ng NY Entourage Productions para sa project.

“I said, ‘wow!’ Eh, 1984-85, high school ako nu’n, third year high school ako nu’n, ang solo ko sa Kundirana was To Love Again. Of course, by Sharon Cuneta but written by Odette Quesada.

“Tumatak talaga sa akin ‘yon and then from then on, naging Odette fan na kami. You know, the songs, from Raymund Lauchengco, ‘yung goodbye song? Farewell, ga-graduate sa high school, Diyos ko, nag-iiyakan pa kami. Naalala n’yo ‘yon? ‘Yung nag-iiyakan pa kayo?

“Odette was part of my childhood. So to do something like that in a show with her, super exciting for me. It’s a thrill for me and nakakatuwa kasi songwriter siya, eh. So meron kaming… ka-kindred spirit ko siya. Parang nakaka-identify ako du’n sa mga ginawa nya.

“Then nu’ng nagpi-pictorial na kami, I got to know her, we got talk a little bit. Na-realize ko nag-guest na pala ako sa concert niya, noong araw pa, MD (musical director) pa niya ‘yung late husband niya (Bodjie Dasig). I was a guest, and then she said to me that she was excited to do a concert with me. And of course, sobra akong kinikilig sa loob. Odette Quesada’s excited to do a concert with me,” mahabang saad ng self-confessed huge OPM fan.

Bukod sa To Love Again, paboritong Quesada composition din ni Ogie ang A Long, Long Time Ago, I Need You Back, ‘Til I Met You, atbp.

Lahat ng ‘yan, pati na ang mga orihinal na komposisyon niya, gaya ng Pangarap Ko Ang Ibigin Ka, Pangako, Mahal Kita WalaNg Iba, Kailangan Kita at iba pa, ay kakantahin nila sa Love Q & A, na may pre-Valentine performance rin sa NuStar Resort and Casino sa Cebu sa Feb. 13.

Saktong timpla ang Ogie-Odette tandem dahil na-realize nga raw ng una na ang mga likha niya ay pulos Tagalog habang ang huli naman ay pawang Ingles.

Ani Ogie, “Hati ang repertoire, pero we wanna include also songs that we felt we should have written or songs na English or Tagalog na gustung-gusto namin na isinulat ng OPM songwriter din.”

Napag-usapan din nila ang pagkakaroon ng “three Cs” portion kung saan ipe-perform nila ni Odette ang mga awitin ng OPM greats na sina George Canseco, Willy Cruz at Ryan Cayabyab.

Hindi pa man final, bet din ni Ogie na samahan ang line-up ng kundiman songs para ma-trace ang history ng original Pinoy music.

“Nag-uusap pa kami, pero tingnan natin kung makakagawa kami ng collab (for the show),” dagdag pa niya.

Presented in cooperation with the Newport Resort Casino, ang tickets para sa Love Q & A ay available na sa SM Tickets at TicketWorld.

AUTHOR PROFILE