Quizon

Marya, inalok ang sarili sa sitcom ng mga anak ni Dolphy

January 14, 2024 Leah C. Salterio 168 views

Mula mag-umpisa sa showbiz ang Diamond Star na si Maricel Soriano bilang anak ng comedy king na si Dolphy at ni Nida Blanca sa long-running sitcom na John en Marsha, itinuring na niya bilang tunay na magulang ang dalawang beteranong artista.

Mahigit na dalawang dekada sa ere ang John en Marsha.

Nang mamatay si Nida, nagkaroon pa ng John en Shirley, kung saan ipinagpatuloy ang relasyon ng mag-ama.

Kaya itinuring nang totoong anak ni Dolphy si Maricel at naging totoong magulang na rin ni Maricel ang ace comedian.

“Kaya sabi nila na galing ako sa broken family, pero hindi ibig sabihin noon na hindi ko natikman o naranasan na magkaroon ng buong pamilya,” diin ni Maricel. “Hindi totoo ‘yun dahil noong kasama ako sa John en Marsha, inangkin ko sila bilang nanay at tatay ko. Buo ang pamilya ko. May daddy ako at mommy.

“’Yan ang rason kung bakit alam ko ang pakiramdam na may isang buong pamilya. ‘Yan ang nagawa sa akin ng John en Marsha at ng daddy.”

Kahit ang pagiging propesyonal na aktres niya, ginabayan nang mabuti ng ace comedian.

“Kung may gagawin ako, nagtatanong muna ako sa daddy kung papayag siya,” tanda ni Maricel. “May nag-offer sa akin ng Katorse noon sa Regal. Nagtanong ako sa daddy. Ipakausap mo sa akin ang manager mo. Hindi maunawaan ang title. Hindi ako pinayagan kaya hindi ko nagawa ang pelikula.

“Nang maging 16 ako, ginawa ko na ang Underage sa Regal. Kami nila Dina (Bonnevie) at Snooky (Serna),” kwento niya.

So hindi nakapagtataka na hanggang ngayon, ibinibilang pa rin si Maricel na miyembro ng Quizon family.

Kaya naman nang kumuha ng main cast ang bagong situational comedy na 3-in-1, hindi naging mahirap sa Quizon children na ibilang si Maricel cast.

“Pinilit ko si Eric to include me in this sitcom,” sabi ni Maricel. “At may warning. Sabi ko ‘pag ako hindi kasali diyan sa 3-in-1, lagot kayo sa akin.”

Nakuha ni Maricel ang galing niya sa comedy mula sa comedy king himself.

“Nabigyan ako ng pagkakataon na gumanap sa isang sitcom na si Daddy Dolphy at si Mommy Marsha ang kasama kaya napaka-blessed ko talaga,” sabi niya.

“Sa hinaba-haba ng panahon, lahat ng gagawin ko, tinatanong at kino-consult ko ang daddy at mommy.”

Sina Eric at Epy Quizon ang alternate directors ng 3-in-1 pero kasali rin sila sa cast.

“Pinagdaanan ng daddy namin at daddy din ni Marya, siyempre nagkaroon ng estate, nag-usapan ang mana (inheritance) and pagpapatuloy ng legacy.

“Naging satirical na tuloy. ’Yung mga habilin ng isang patriarch who passed on, the children have differences, we applied that. We always think about what our daddy wanted with the estate that he left behind. But the situations, iba naman,” kwento nila.

Naging madali para kina Eric at Epy ang pag-conceptualize ng sitcom na partly inspired ng pamilya nila.

“The details do not exactly follow what we did in our family,” sabi ni Eric. “When we told Marya about this show, she immediately said, ‘O, hindi pwedeng hindi ako kasama diyan dahil anak din ako. That was how this show started.”

Para kina Eric at Maricel, nagkatrabaho rin sila sa ilang pelikula.

“Bata pa kami, naging magkaibigan na kami at naging anak din si Marya ng daddy ko nine years old pa lang siya,” sabi ni Eric.

“John en Marsha was one of the longest-running sitcoms on TV. It ran for almost 20 years. After that, they also did John en Shirley. Nu’ng nasa Regal kami ni Marya, naging barkada rin kami. We got really close at naging neighbors pa kami,” pagbabalik-tanaw ni Eric.

Ang 3-in-1 will premiere on January 14 at tatakbo ito ng dalawang seasons.

Kasama rin dito ang iba pang Quizon brothers na sina Vandolph, Boy2 at Vito.

Bukod sa kanila, nasa cast din sina Long Mejia, Bearwin Meily, Angie Castrence, Charuth, Donna Cariaga at ang NET25 Star Kada artist na si Shira Tweg.

AUTHOR PROFILE