Jodi Larawan: Jodi Sta. Maria/IG

Jodi humanga sa bansang Malta matapos mamasyal

November 30, 2023 People's Tonight 120 views

“SUPERB,” yan ang naging reaksyon ng award winning aktres na si Jodi Sta. Maria matapos mamasyal sa bansang Malta.

Ibinahagi pa ni Jodi sa kanyang Instagram, Miyerkules, Nobyembre 29, ang sampung rason kung bakit kailangan bumisita ang mga Pinoy sa nasabing bansa.

Aniya, “The locals are lovely. In my experience they are one of the most welcoming people on the planet like this sweet lady beside me @see_my_malta. The whole city is designated a UNESCO World Heritage Site. The food is good. Maltese cuisine is a combination of the many nations that influenced Malta over the years. Quaint cafes all around just to chill or maybe have coffee and dessert. Loving its kalma vibe.”

Dagdag pa ng aktres, isa sa pinaka-ligtas na bansa sa buong mundo ang Malta. Sey pa niya, “Kinnie is a must try! It’s a local bittersweet carbonated drink… Learning about the Knights who forever left their mark on this beautiful country.Step back in time at the well preserved mansion, Casa Rocca Piccola in Valletta. I did an audio tour for this one. Imqaret — deep fried date-filled Maltese pastry dipped in Amaretto! Don’t worry hindi nakakalasing.”

Isa umano sa tumatak sa kanya ang mga beach sa Malta, masasarap na pagkain at ang mga museo kung saan makikita ang mga artifacts.

AUTHOR PROFILE