Odette

Odette at Bituin, may pa-tribute kay Vernie

November 30, 2023 People's Tonight 166 views

Matagal nang wala sa music scene ang vavavoom singer na si Vernie Varga na tinagurian noon na “The Vamp.”

Taong 2017 nang magkaroon ng early onset ng Alzheimer’s si Vernie. Pero lumalala na ito hanggang sa hindi na siya makapagsalita.

Sa concert ni Odette Quesada last Saturday, nagbigay-tribute kay Vernie ang guest na si Bituin Escalante sa pamamagitan ng pag-awit ng Love Me Again, isa sa mga hit ni Vernie na sinulat ni Odette.

Nagbigay-tribute din sina Bituin at Odette kay Bodjie Dasig sa pamamagitan ng pagkanta ng hit nitong Sana Dalawa ang Puso Ko.

Naging star-studded ang second night ng concert ni Odette dahil bukod kina Raymond Lauchengco at Randy Santiago, naging guest din ang The Company at si Lani Misalucha.

Malayo na ang itinakbo ng pagkakaibigan nina Odette at Lani.

Ang huli ay naging wedding singer pa sa kasal ni Odette kay Bodjie noong 1993. Flower girl naman ang anak ni Lani na si Louven. Leah Salterio

AUTHOR PROFILE