Kathniel

Karla at Mommy Min, nag-react sa KathNiel breakup

December 1, 2023 Ian F. Fariñas 137 views

NAGLABAS ng kanya-kanyang pagsuporta sina Karla Estrada at Mommy Min Bernardo matapos kumpirmahin ng mga anak nilang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang matagal nang usap-usapang breakup ng KathNiel.

Sa social media idinaan nina Karla at Min ang reaksyon sa paghihiwalay ng Kapamilya loveteam.

Sa ipinost na litrato ng KathNiel sa Instagram, “We love you both” lang ang simpleng caption ni Karla.

Si Mommy Min naman, nagpasalamat sa KathNiel fans, “KathNiels, Kathcakes, Solid DJ maraming maraming salamat sa inyo, hindi dito nagtatapos ang ating pagsasama,” sabay lagay ng heart emoji.

Eleven years din tumagal ang relasyong Kathryn-Daniel at hanggang sa huli ay ipinaramdam nila ang respeto’t pagmamahal para sa isa’t isa.

AUTHOR PROFILE