Pokwang Larawan mula sa Instagram/@itspokwang27

Pokwang ‘di na bet mag-dyowa ng afam

November 30, 2023 People's Tonight 103 views

HINDI na raw muling makikipagreklasyon sa afam ang comedienne-actress na si Pokwang.

Sa episode nitong Miyerkules, Nobyembre 29 ng GMA talk show na “Fast Talk with Boy Abunda” kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, sumalang sa fast talk si Pokwang kasama ang kanyang ‘Becky and Badette’ co-star na si Eugene Domingo.

Natanong si Pokwang kung gusto pa raw ba niyang magka-boyfriend ng afam.

Mabilis na sinagot ng comedienne-actress na ayaw na niya. Itinaas pa nga niya ang kanyang daliri at ipinormang ekis, tanda na hindi na niya gusto.

Career din ang pinili ni Pokwang kaysa lalaki. Ayon pa sa kanya ay nais muna niyang pagtuunan ng pansin at paglaanan ng oras ang kanyang mga anak kaysa makipagrelasyon sa iba.

Ayaw din umano niyang makipagrelasyon sa mas bata sa kanya.

Nang tanungin naman kung bitter pa ang komedyana sa kanyang ex, napaisip ito pero sinabi niyang nasa ‘midlle.

Matatandaang naglabas noon ng saloobin patungkol sa hirap na pinagdadaanan ng pagiging single mother si Pokwang.

“Ang hirap maging single mom lalo na sa panahon ngayon, ako lahat! gastusin, oras sa bata, emosyon, ako lahat!” pahayag ng actress-comedienne.

Nagbigay rin siya ng hinaing patungkol sa kanyang failed relationship at kung paanong siya pa ang nasisisi rito.

“Tapos nag failed ang relasyon ako parin ang nasisisi?? bitter ka! move on kana!” wika pa ni Pokwang.

Noong Hunyo ay matatandaang nagtungo si Pokwang sa Bureau of Immigration upang mag-file ng petition para ipa-deport ang kanyang ex-partner.

AUTHOR PROFILE