PIA Larawan mula sa IG/@piawurtzbach

Pia Wurtzbach inurirat na buntis na

November 30, 2023 People's Tonight 131 views

NAGHINALA nga ang mga netizens na nagdadalang-tao na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Sa Instagram page ng beauty queen nitong Miyerkules, Nobyembre 29, ibinahagi niya ang bonggang video nila ng kanyang partner na si Jeremy Jauncey, kung saan makikita ang dalawang super sweet habang nasa gitna ng disyerto.

“What happens next,” sey ni Pia sa caption ng nasabing post.

Inulan naman ng pang-uurirat mula sa netizens na baka preggy na ang Miss Universe 2015.

“Was it just me anticipating for a baby ultrasound pic at the end Whatever is next for you guys timeline we’ll support all the way,” saad ng netizen na may username na @chrelsxxii.

“Sameeeee,” reply naman ni user @mini.manimbo sa naunang komento.

“I was about to write the same,” saad pa ni user @rnztan.

“Sa true langg talaga lol!! Some baby announcement and stuff,” komento ni user @geeeeeelll.

“Baby next?” wika pa ni user @atinen.

AUTHOR PROFILE