Janno

Janno, bet magdirek ng pelikula

December 8, 2021 Ian F. Fariñas 234 views

SERYOSO ang komedyante na si Janno Gibbs sa balak niyang mag-cross over mula sa pagiging singer/actor sa pagiging film director sa 2022.

Ito ang isa sa mga binitawan niya sa virtual media conference para sa Vivamax offering na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige! kung saan muli niyang makakasama ang mga kaibigang sina Andrew E. at Dennis Padilla pati na ang komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia at mga seksing baguhan na sina Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes at Angela Morena.

Bale sequel ito ng nauna nilang comedy movie na idinirek din ni Al Tantay nu’ng 2019.

“Nag-pitch na ako ng possible projects kay Boss Vic del Rosario na puwede kong idirek,” ani Janno.

Actually, sunud-sunod ang proyekto niya sa Viva ngayong pandemya.

Bukod sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige! na magsisimulang mapanood via streaming sa Vivamax sa December 31, nariyan din ang super hero film niyang Mang Jose na ipapalabas din sa Vivamax simula December 24.

For the first time ay makakasama ni Janno sa nasabing pelikula ang misis na si Bing Loyzaga at ex-girlfriend na si Manilyn Reynes.

Nasa cast din siya ng action-drama na A Hard Day, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Viva Films na pinagbibidahan naman nina Dingdong Dantes at John Arcilla sa ilalim ng direksyon ni Direk Law Fajardo.

“Yes, thank God, maraming blessings,” ani Janno. “Sana magtuluy-tuloy hanggang sa bagong taon,” dagdag wish niya.

Samantala, ang ang catchy theme ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige! ay isa sa mga kanta ni Andrew E., ang Aussie! Aussie! O Sige!

Gaya ng Shoot! Shoot!, na ginamit naman sa movie nila nina AJ Raval at Sunshine Guimary na may kaparehong titulo, ang Aussie! Aussie! O Sige! ay isang surprise hit at naging trending dance craze sa TikTok.

AUTHOR PROFILE