Winwyn

Winwyn, ready na mag-asawa — Alma

December 8, 2021 Vinia Vivar 359 views

Ang bilis ng sagot ni Alma Moreno nang matanong sa Mars Pa More kung sino sa kanyang dalawang anak na sina Vitto at Winwyn Marquez ang ready nang mag-asawa.

“Si Winwyn!” aniya.

Eh, timing naman na may kumakalat na ispekulasyon na nasa interesting stage diumano si Winwyn ngayon.

Pero wala namang sinabi si Ness tungkol sa tsismis. Basta ang eksplanasyon niya ay bata pa kasi si Vitto while si Winwyn ay nasa tamang edad na kaya ito ang sagot niya.

“Kasi si Vitto, bata pa. Si Winwyn nasa tamang edad na. Thirty na si Winwyn and ready na siya,” sabi ni Ness.

Nang tanungin ng host na si Camille Prats kung papunta na sa pag-aasawa si Winwyn, nasambit na lang ni Ness, “Basta!”

Makahulugan ang tawa ni Vitto na naroroon din kaya tila defensive na sabi ni Alma, “Secret nga, wala akong sinabi. Bakit ka tumawa?”

Well, sa ngayon ay wala pa namang denial or confirmation si Winwyn tungkol sa tsismis na preggy siya at hinihintay din ng lahat ang kanyang statement.

AUTHOR PROFILE