Jamie excited sa pagsasama nila ni Basil

April 7, 2022 Aster Amoyo 80 views

EXCITED si Jamie Rivera sa pagbabalik niya sa live concert performance via Live and Light na gagawin sa Newport Performance Theater on April 30.

It’s been two years since huli siyang nag-perform before a live audience, incidentally, Love and Light din ang title. Pero it was a Valentine show.

What excites her more sa upcoming show na ito ay makakasama niyang OPM legend at hitmaker na si Basil Valdez.

Kwento ni Jamie sa presscon ng Love and Light na ginawa sa Resorts World Manila last Wednesday, April 6, bata pa siya ay idol na niya si Basil, pati si Leah Navarro. Madalas daw niyang pakinggan ang mga awitin nito sa radio.

One of her dreams when she started her singing career ay maging female version ni Basil Valdez.

“It is an honor and privilege na makasama sa isang concert ang isang iconic singer like Sir Basil. He is a respected singer ng ating bansa and anyone would like to have a chance to share the stage with him,” pahayag pa Jamie.

For Jamie, doing this concert is a celebration. “We should be thankful we all survived the pandemic and we are still alive,” wika pa singer na tinawag na Inspirational Diva.

Mostly inspirational songs daw ang repertoire niya sa concert. Ito raw ang kailangan natin ngayon — ang ma-inspire.

Magka-jive nga raw ang mga songs nila ni Basil dahil marami silang pinasikat na inspirational songs.

Sabi pa ni Jamie, parang may connection ang mga inspirationa songs nila ni Basil.

Kahit na nakapag- zoom concert siya during the pandemic, iba pa rin ang magic ng may live audience.

RoderickRoderick may coimeback movie na hindi maipalabas

BIRTHDAY ni Roderick Paulate noong Lunes. He had a quiet dinner kasama ang ilang close friends sa showbiz.

Busy sa campaign si Kuya Dick who is running for councilor sa 2nd District ng Quezon City.

Siyempre magandang regalo for his birthday kung papalarin si Kuya Dick sa Mayo para muli siyang makapagsilbi sa constituents niya kanyang distrito.

Tapos na ni Kuya Dick ang Mudrasta, na ginawa niya under TREX Entertainment, sa direksiyon ni Julius Alfonso pero naghihintay pa sila ng tamang timing bago ipalabas ang movie.

Gusto kasi ni Kuya Dick na sa sinehan ito ipalabas para mas maraming tao ang makapanood. Maganda ang movie, ayon kay Kuya Dick at masaya siya sa collaboration nila ni Direk Julius.

Isa pa matagal na siyang di gumawa ng pelikula at bonggang comeback vehicle itong Mudrasta for him.

Hindi nga siya tumanggap ng ibang pelikula dahil gusto niya na nakatutok siya sa shooting ng Mudrasta.

Kasama sa Mudrasta sina Tonton Gutierrez, Ms. Celia Rodriguez at Carmi Martin.

BellaJC looking forward sa intimate scene nila ni Bela

NEVER pa pala nagkaroon ng intimate scene sa pelikula sina Bela Padilla at JC Santos kahit na ilan beses na rin silang nakagawa ng pelikula.

Pero sabi ni JC ay wala naman daw magiging problema if ever magkakaroon man sila ng ganitong eksena in any of their future movies.

Excited si JC to be part of the cast of ‘366,’ ang debut film ni Bela as a director.

“When I reported on the set sa first day shoot namin, I was looking forward kung paano ako ididirek ni Bela sa mga scenes namin,” wika ni JC who told himself na dapat kasali siya sa unang movie ni Bela as a director.

As a newbie director, Bela did not disappoint..Impressed si JC sa trabaho ni Bela on the set. Kaya naman very thankful si JC na he agreed to do ‘366.’

AUTHOR PROFILE