Julie Ann inspired dahil kay Rayver, in-unfollow na ni Janine

April 7, 2022 Eugene E. Asis 212 views

HALATANG excited si Julie Ann San Jose nang tanungin tungkol sa kasalukuyang relasyon nila ni Rayver Cruz sa presscon ng ‘Limitless 3: Rise’, isang digital at live concert ng Synergy ng GMA Network na mapapanood ngayong April 9 and 10.

“Mas mabuting siya na lang po ang tanungin nyo,” sagot ni Julie Ann.

Nitong mga nakaraang araw, may mga Instagram post si Julie Ann kasama si Rayver at kung ito ang pagbabasehan, mukhang nasa mas mataas na lebel na ang relasyon ng dalawa ngayon.

Matagal na silang tinutukso ng mga kasamahan sa All Out Sundays.

Lalong lumakas ang ugong nang mag-break sina Rayver at Janine Gutierrez na nali-link naman kay Paulo Avelino. In fact, magkasama sa Amerika sina Paulo at Janine dahil naging guests sila sa concert ni Ogie Alcasid sa California. Nakabalik na ng bansa si Ogie, perro dadaLaw pa si Paulo sa anak kay LJ Reyes na nasa New York.

Samantala, balitang in-unfollow na ni Janine si Julie Ann sa Instagram. Inamin naman ito ni Julie Ann pero nang tanungin ang dalaga kung nag-unfollow na rin siya kay Janine, sinabi niyang hindi dahil wala raw siyang problema rito.

Napansin namin na mukhang mas inspired si Julie Ann sa kanyang ‘Limitless 3: Rise; concert. Nang tanungin namin kung dahil ba ito kay Rayver, isang malakas na tawa lang ang kanyang pinakawalan.

EthelEthel may trauma sa pagpapakasal

AYAW pa palang magpakasal ni Ethel Booba sa kanyang boyfriend at live in partner na si Jessie Salazar, isang executive chef.

Inamin niya ito sa hybrid (face to face at online) presscon ng ‘Lakwatsika,’ bagong morning show nila ni K Brosas sa TV5. Minsan na raw siyang sinubukang bigyan ng singsing ni Jessie, pero nahalata niyang isusunod nito ang salitang ‘Will you marry me?’

Pero kaagad niya itong tinanggihan.

Hindi pa rin daw siya sigurado kung si Jessie na nga ang huling lalaki sa buhay niya. Bagama’t prangka siya sa topic na ito, tanggap naman ito ni Jessie na mukhang mahal na mahal si Ethel pati na ang kanilang anak.

Ayon kay Ethel, ang history ng kanilang pamilya ang pumipigil sa kanya na magpakasal.

Gayunman, malaki ang pagbabago ng buhay niya mula nang magkaanak. Nawala na ang mga bisyo niya tulad ng pag-iinom at paninigarilyo. Marami na rin siyang mga kabaliwan na hindi na ginagawa dahil ayaw niyang may masabi ang anak kapag lumaki na ito. Natutuwa nga sa kanya ang co-host at kaibigan na si K Brosas. Inamin ni K na hindi naman sila close dati ni Ethel pero mula nang makasama niya itro at makilala nang lubos, nauunawaan na niya ang mga dahilan ng mga kabaliwan nito na alam naman ng publiko.

Ina ni Maja, nasa Pilipinas para pag-usapan ang kasal?

MULING pumirma ng bagong kontrata si Maja Salvador sa TV 5 at Cignal Entertainment.

The Majestic Superstar ang tawag sa kanya ng network na pinangungunahan ni Robert P. Galang bilang presidente. Hit na hit ang kanyang primetime series na ‘Nina Nino’ kasama ang teenager nang si Noel Comia Jr. In fact, nasa Netflix pa rin ito at sa mga unang linggo ay nasa Top 5 ng Netflix Philippines.

Samantala, dalawang project agad ang gagawin ni Maja sa ilalim ng Cignal: isang sitcom at isang action (?) series. Ayaw niyang ilahad ang kabuuan ng naturang series. Basta ang sinabi niya, isa siyang performer dito.

Ang Crown Management nila ng boyfriend na si Rambo Nunez Ortega ang co-producer ng sitcom at series. Makakasama niya sa sitcom ang komedyanteng si Pooh na siyang nag-suggest ng format kay Rambo. Alam ni Maja na mahiuhirapan siya sa comedy, pero gusto niya itong subukan. May mga comedy scenes na rin naman siya sa Nino Nina, at nairaraos naman niya.

Nang tanungin naman siya ungkol sa kanila ni Rambo, kung kailan sila magpapakasal, sinabi niyang kung darating ito ay kaagad nilang ipaalam dahil wala naman daw silang inililihim sa publiko.

Namataan namin sa physical presscon ang mommy ni Maja na si Thelma Andres kasama ang Canadian husband na si Roy Linklater. Hindi kaya umuwi ang ina from Canada para pag-usapan na ang kasal?

AUTHOR PROFILE