‘It’s Showtime’ may kapalit agad na bagong show

October 14, 2023 Aster Amoyo 283 views

PANSAMANTALANG nagpaalam ang hosts ng “It’s Showtime” sa Madlang People (televiewers) last Friday, October 14  bilang pagtalima sa 12-day suspension na ipinataw sa ABS-CBN, noontime program ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na tatagal hanggang October 27.   Ang programa ay muling babalik sa ere sa darating na October 28, araw din ng Sabado.

Sobrang nalungkot ang mga manonood ng top-rating and long-running noontime program dahil naging bahagi na ang programa sa kanilang pang araw-araw na pananghalian.  Gayunpaman, gumawa ng paraan ang ABS-CBN na patuloy na maaliw ang mga manonood sa pamamagitan ng pag-create ng isang bagong programa na pansamantalang humalilili sa suspendidong “It’s Showtime,” ang game show na “It’s Your Lucky Day” kung saan ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano ang main host.  Kasama ni Luis ang iba pang Kapamilya talents tulad nina Melai Cantiveros, Shaina Magdayao, Jennica Garcia, Seth Fedelin, Francine Diaz, Long Mejia, Negi, Petite at Tetay.  Isa itong daily game show program kung saan maraming mga papremyo ang ipinamimigay sa mga winners.

May suspetsa kami na kapag nag-click sa mga manonood ang “It’s Your Lucky Day” ay malamang ipagpatuloy ito ng Kapamilya network on a different time slot at puwede rin itong gawing pre-programming ng “It’s Showtime”.

Napaka-bilis makapag-isip ng ABS-CBN ng bagong programa para magpatuloy ang kasiyahan ng mga manonood.

Ganito rin ang nangyari noon sa Kapamilya network nang nawalan sila ng prangkisa, dahil agad silang nakapag-isip ng ibang alternatibo na makapaghatid ng entertainment, balita at tulong sa publiko sa pamamagitan ng iba’t ibang digital platforms at pakikipag-alyansa sa ibang TV networks.

VG Mark wagas ang pagmamahal Kay Kris 

MarkMark1MARAMI ang naniniwala (including this writer) na tuloy pa rin ang relasyon ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino at ang bise-gobernador ng Batangas at negosyanteng si Mark Leviste kahit nag-deklara na ang TV host-actress at entrepreneur na wala na umano sila ng politician-businessman.

Sa aming recent exclusive interview with VG Mark, hindi ito nangimi ng kanyang pag-amin ng kanyang nararamdaman  at paghanga  para sa bunsong anak ng yumaong dating Presidente Cory Aquino at dating Sen. Ninoy Aquino.

Ang isa pang pruweba na sila pa rin ay  dahil suot-suot pa rin ng politician ang bigay sa kanya ni Kris na trinity ring.

VG Mark has long been annulled sa kanyang ex-wife na si Ann with whom he has three grown-up children na sina Ronin, Arielle and C2 (Conrad II).  Ang eldest na si Ronin got elected as vice-mayor of Lian, Batangas at age 23, making him the youngest elected vice-mayor ng buong Batangas at sa buong Luzon.  Ang only girl na si Arielle ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Amerika ay aktibo sa mga NGO projects habang ang bunsong si C2 ay active participant sa kanilang school in La Salle – Greenhills.

Ayon kay VG Mark, hindi man umano siya perfect father to his three children, he spends quality time with them.  They go to mass together, eat out (more often) , watch movies together maging sa paglalaro ng golf.

“I am a supportive father to my three children,” pag-amin niya.

Whenever they’re together ay para lamang silang magkaka-barkada.

VG Mark’s children are close to Kris’ two sons na sina Joshua at Bimby  kaya wala umano silang problema ni Kris pagdating sa mga bata.

Aware si VG Mark na may mga negative comments siyang natatanggap by his being vocal sa kanyang paghanga at pagmamahal kay Kris to a point na may nagsasabi na ginagamit lamang umano niya ang dating Presidential daughter and sister for his own personal interest bilang isang politician.

“Kahit kailan ay hindi ako  nanggamit ng ibang tao for my own personal gain laluna pagdating sa aking politicial career,” depense.

“Mahirap peke-in ang pagmamahal mo sa isang tao.  I am an expressive person pagdating sa mga taong mahal ko,” aniya.

Although maraming pagsubok ang kanilang relasyon ni Kris, gusto itong ipaglaban ni VG Mark.   Ganoon katindi ang kanyang pagmamahal sa TV host-actress sa kabila ng pinagdadaanan nitong sakit at pananatili sa Amerika for over a year now para sa patuloy niyang treatment .

“I left my heart in America,” deklara niya nang ito’y tanungin namin sa lagay ng kanyang puso ngayon.

Since open naman siya sa kanyang pagtatangi kay Kris, agad nag-conclude ang netizens that he’s referring to Kris na kasalukuyang nasa Amerika pa rin.

Katunayan, muling lumipad patungong Amerika si VG Mark para ipakita na wagas ang  kanyang  intention sa babaeng pinaglalaanan niya ngayon ng pagmamahal.

He’s even willing to propose and marry her kung ito’y tanggapin ng kanyang nililiyag.

AUTHOR PROFILE