Tiktok3

TIKTOK STAR OF THE DAY

October 14, 2023 People's Tonight 237 views

TiktokTiktok1Tiktok2Tiktok4EVER since I was a kid, I knew I’ll do great and I’ll be where I am now,” yan ang sey ng isang Batangueñang TikTok star na si Khrea na kayang-kaya makipagsabayan hindi lang sa hamon ng buhay, maging sa pagbibigay contents sa nasabing social media platform.

Si Khrea Anjeline Cabantug o kilala rin ng kanyang mga social media followers bilang “Khrea” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong 121.8 thousand followers at halos 700 thousand likes sa kanyang account na may username na @krhnjln. Bukod pa rito, sinusubay-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username ring @krhnjln, na mayroon nang seven thousand followers sa kasalukuyan.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, lip syncing skills, beauty and skin tips, at higit sa lahat ang kanyang husay sa paggiling, sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Tubong Batangas si Khrea at isang car show model, pero sa kasalukuyan siya ay nagtatrabaho sa isang hotel. Nakapagtapos siya sa kolehiyo ng kursong Associate in International Hospitality Management sa University of Batangas Lipa City Campus noong nakaraang taon.

Bukod sa paggawa ng dancing contents, marami ring ine-endorse na produkto si Khrea mula sa mga affiliate brands sa TikTok.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Khrea sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at ilang brand partners ng dalaga.

AUTHOR PROFILE