Jodi

IMBITASYON KAY JODI ’DI KINANSELA

March 24, 2024 Vinia Vivar 69 views

Hindi totoong kinansela ang invitation ni Jodi Santamaria sa birthday tribute for Johnny Manahan, a.k.a. Mr. M, in favor of Claudine Barretto.

Nilinaw ito ni Ogie Diaz na matatandaang siya ring nagbalita tungkol sa pagkaka-disinvite umano kay Jodi sa okasyon.

Ayon sa unang balita ni Ogie, in-invite si Jodi ng organizers. Pero bigla umanong kinansela dahil darating si Claudine, estranged wife ni Raymart Santiago, rumored boyfried ni Jodi.

Para wala nang ilangan o tensyon, minabuti umano ng organizer na ikansel ang imbitasyon kay Jodi.

Ayon pa kay Ogie, mas pinaboran si Claudine dahil isa ang aktres sa pioneers ng Star Magic.

Ang latest, ani Ogie, pinabulaanan ng kanyang source ang unang ibinalita.

“Dapat ay kasama siya (Jodi) sa previous dinner with sina Bea (Alonzo), John Lloyd (Cruz), ‘yun nga kay Mr. M, kaya lang nagka-COVID siya that night we were together. She had a prior commitment that same night when the organizers invited her,” sey umano ng source ni Ogie. “Mr. M would have wanted to see her.”

Naniniwala rin si Mama Ogs na sakaling nagkita man sina Jodi at Claudine sa party, hindi na bata ang dalawa para mag-away pa.

AUTHOR PROFILE