Dearly

Cristine kay Marco: He brought me back to church

March 24, 2024 Vinia Vivar 83 views

Inamin ni Cristine Reyes na ang boyfriend na si Marco Gumabao ang nagpabalik-loob sa kanya sa tahanan ng Diyos. Dati kasi ay nagtampo umano siya kay Lord kaya hindi siya nagsisimba.

“He (Marco) brought me back to church kasi nagtampo ako kay Lord, eh, kasi ‘yung past ko, church people rin sila. So parang feeling ko nagtampo ako do’n kay Lord na… ginagawa ko naman na nag-obey naman ako pero bakit ganito ‘yung nangyari? So when Marco came, he brought me back to church and I’m thankful,” pahayag ni Cristine sa panayam ni Karen Davila.

“Is marriage around the corner?” tanong ng anchor/journalist kay Cristine.

“Saka na lang natin pag-usapan. Masyado pa kasing maaga,” saad ng partner ni Baron Geisler sa family drama na Dearly Beloved na showing na sa March 30.

Isang taon na rin ang relasyon nila ni Marco and as everybody knows, five years ang kanilang age gap, Cristine being the older.

Ayon sa aktres, masaya sila sa kanilang relasyon.

“Having him and his family and knowing everybody, like his cousins also, they’re very nice people,” saad niya.

AUTHOR PROFILE