Default Thumbnail

Shabu, drug suspek nasabat sa Bulacan

April 27, 2024 Alfred P. Dalizon 46 views

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bulacan Police Provincial Office ang malaking halaga ng shabu at nahuli rin ang drug suspek sa buy-bust sa Santa Maria, Bulacan noong nakaraang Martes.

Sinabi ni Bulacan PPO director Colonel Relly Arnedo na isinagawa ang operasyon sa Brgy. Catmon makalipas ang ilang araw na surveillance.

Kinilala ang nahuling suspek sa alyas Miyong, 51, residente ng Kalye Onse sa naturang barangay.

Nagsanib pwersa ang mga tauhan ng Santa Maria Municipal Police Station Drug Enforcement Unit, Bulacan PPO Intelligence Unit at Philippine Drug Enforcement Agency para madakip ang suspek, dagdag pa ni Arnedo.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Walang piyansa ang isinampang kaso laban sa kanya, ayon sa Bulacan PPO.

AUTHOR PROFILE