Posas

Obrero laglag sa shabu

April 27, 2024 Alfred P. Dalizon 52 views

ISANG obrero na nag career shift sa pagtitinda ng ilegal na droga ang nahuli ng mga pulis sa buy-bust sa President Roxas, Cotabato noong Huwebes.

Kinilala ni Major Jun Napat, hepe ng President Roxas police, ang nadakip na si alyas Nel, ng Taran Subdivision, Kidapawan City, Cotabato.

Ayon sa opisyal, dinakip ang suspek matapos magbenta ng shabu sa isang undercover officer sa Brgy. Poblacion, President Roxas.

Nakuha sa operasyon ang ilang pakete ng shabu at buy-bust money.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

AUTHOR PROFILE