Posas

2 drug suspek huli sa Naga

May 9, 2024 Alfred P. Dalizon 44 views

DALAWANG suspek sa pangangalakal ng ilegal na droga sa Bicol ang naghihimas ngayon ng rehas na bakal matapos na matimbog ng mga pulis sa buy bust sa Naga City noong Martes.

Kinilala ni Police Regional Office 5 director Brigadier General Andre Dizon ang mga natiklo na sina alyas na Tor at alyas Mel.

Nahuli ang dalawa sa sa Bacolod St., Zone 5, Gimenez Subdivision sa Brgy. Concepcion Pequeña na operasyon ng Naga City Police Drug Enforcement Unit sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Nakuha sa dalawa ang limang plastik na pakete na may lamang shabu.

Nahaharap sa kasong illegal sale at possession ng ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.

AUTHOR PROFILE