Marian

DongYan igagala sina Zia at Sixto sa mga zoo ngayong Semana Santa

March 24, 2024 Vinia Vivar 96 views

Nakaplano na ang bakasyon ng pamilya Dantes ngayong Holy Week. Ayon kay Marian Rivera, talagang pinaglaanan nila ito ng panahon this year.

“Finally, kasi nu’ng last year, hindi kami nakaalis siyempre dahil busy kami sa pelikula, pagpo-promote and everything,” sey ni Marian nang nakausap namin sa mediacon ng comeback teleserye niya sa GMA-7 na My Guardian Alien.

“So, this time, talagang naglaan kami ng oras para makasama ‘yung mga bata at maipasyal sila,” dagdag niya.

Out of the country umano ang kanilang destinasyon at ayaw pang sabihin ni Yan kung saang bansa ito.

“Pero igagala namin sa mga alam mo ‘yung hindi namin napupuntahan, mga zoo, mga ganyan,” aniya.

Hindi rin naman sila magtatagal dahil kailangan niyang bumalik agad dahil hindi pa tapos ang taping niya ng My Guardian Alien.

Pero excited na sila sa gagawing bakasyon dahil first out of the country nila itong mag-anak mula nu’ng pandemic.

First time rin ito ni Sixto na makalabas ng bansa.

Matatandaan kasing nag-European tour na sila noong si Zia pa lang ang anak nila ni Dingdong Dantes.

“Excited na rin kami, at least, makapagpahinga kahit konti,” sey pa ni Marian.

Samantala, excited na rin ang Kapuso Primetime Queen sa pagsisimula ng My Guardian Alien sa April 1.

Kasama niya rito sina Gabby Concepcion, Max Collins, Gabby Eigenmann, Raphael Landicho at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE