Denjen

JENNYLYN HANGA SA SIPAG MAG-TIKTOK NI DENNIS

March 24, 2024 Vinia Vivar 85 views

Humahanga si Jennylyn Mercado sa asawang si Dennis Trillo dahil ang sipag nitong gumawa ng content sa TikTok.

“’Yung asawa ko talaga, saludo talaga ako sa kanya. Ang sipag niya gumawa ng mga content kasi ako, wala talaga,” sey ni Jen sa panayam ni Boy Abunda.

“Wala nga akong masyadong followers, Tito Boy, eh,” dagdag pa niya.

Minsan ay nagpapatulong pa sa kanya ang mister at ginagawa siyang cameraman sa mga video nito.

“Ginagamit niya ako na ano, cameraman kung minsan, ganyan. Cameo, cameo. Kapag medyo nahihiya siya sa gagawin niya, ayaw niya akong nandoon. Pero kapag kailangan niya talaga ng mga camera works, nandoon ako,” kwento ni Jennylyn.

Siyempre, suportado niya naman ang asawa sa hilig nito. Biro pa nga niya, wala naman siyang choice.

“Kapag ayaw ko, wala naman akong choice. Naka-post na, eh. Minsan nagugulat ako. Magkatabi lang kami (sabi ko), ‘May bago kang post?” natatawang sabi ni Jennylyn.

Samantala, simula ngayong Lunes, March 25, finale week na ng comeback series niyang Love. Die. Repeat. with Xian Lim.

Nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng tumangkilik sa show gayundin sa mga positive feedback na natatanggap nila.

AUTHOR PROFILE