Default Thumbnail

Houseboy nakitang nakabigti matapos makipagtalo sa nobya

December 13, 2021 Melnie Ragasa-limena 295 views

NATAGPUANG nakabigti at wala ng buhay ang isang 20-anyos na houseboy matapos makipagtalo sa kaniyang kasintahan sa video call nitong Lunes ng umaga.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 7:20 ng umaga (December 13), nang madiskubre ang nakabigting biktima sa loob mismo ng pinagtatrabahuhang tahanan sa Baranggay Batasan Hills.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Angel T Pascasio III ng CIDU, bago natagpuang nakabigti ang biktima ay nakita muna itong nakikipagtatalo sa kaniyang girfriend sa pamamagitan ng video call bandang 9:00 ng gabi nitong Linggo (December 12).

Kinaumagahan ay nakita na lamang ang biktima na nakabigti sa kisame gamit ang nylon rope.

Hinala ng pulisya na posibleng ang pakikipagtalo ng houseboy sa kaniyang nobya ang dahilan nang pagpapatiwakal ng biktima.