Galvante Si Transportation Assistant Secretary at Land Transportation Chief Edgar Galvante sa panayam sa People’s Tonight tungkol sa public bidding ng Motorcycle Plates sa LTO-Central Office, Quezon City. Kuha ni JUN I. LEGASPI

Galvante: Walang anomalya sa bidding ng plaka sa LTO

February 21, 2022 Jun I. Legaspi 587 views

MARIING itinanggi ni Transportation Assistant Secretary at Land Transportation Office (LTO) Chief Edgar Galvante na may anomalya o nagkaroon ng irregularity sa mga bidding sa agency particular sa motorcycle plates.

Sa isang interview, sinabi ni Assec. Galvante nagtataka nga sila tuwing nagsasagawa ng public bidding ang agency biglang naglalabasan ang mga mapanira at kasinungalingan mga kwento.

Tulad ngayon may scheduled na public bidding para sa motorcycle plates, inunahan ng mga disgruntled na mga grupo ang pagpapalabas ng mga maling information at nakakasirang mga bintang.

“Kung merong reklamo galing sa Anti-Red Tape (ARTA) pwede bang hindi ko malaman siyempre sasabihan ako mismo at bibigyan ako ng kopya ng reklamo eh wala nga puro paninira sa reputasyon namin,” saad ni Assec. Galvante.

Ayon pa kay Assec. Galvante, “tuloy lang ang trabaho at tuloy din ang public bidding ng motorcycle plates.”

“Dahil kailangan natin ito (public bidding ng motorcycle plates), para mapunan ang kakulangan ng motorcycle plates. Hindi naman pwede na dahil lang sa kanila ay titigil tayo sa mandate natin,” aniua

“Ang lahat ng ginagawa namin ay ayon sa rules and regulations na isinasaad ng batas lalo na kaugnay sa mga public bidding processes bukas at welcome ang publiko na kilatisin ito,” dagdag ni Assec. Galvante.

Hinikayat din ni Assec. Galvante ang sino man na magsagawa ng kanilang mga karapatan na mag-imbestiga bago magpalabas ng mga mali at nakakasirang mga information sa agency lalo na sa kanilang reputasyon.

Sinabi naman ng isa sa mga members ng bidding committee may mga nakuha silang information na galing sa mga natalong kumpanya sa bidding ang nagpalabas ng mga mali at nakakasirang impormation.

AUTHOR PROFILE