Bautista DOTr Sec. Jaime J. Bautista

Dagdag multa sa mapanlinlang na mga car dealer, importe

April 12, 2024 Jun I. Legaspi 169 views

INAPRUBAN ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista ang rekomendasyon ng Land Transportation Office (LTO) na dagdagan pa ang mga multa sa pagpapataw ng sanction sa mga car dealer at importer na sangkot sa mapanlinlang na aktibidad, lalo na sa pagpaparehistro ng mga sasakyang de-motor.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ang pag-apruba ni Secretary Bautista ay naging daan sa pag-amyenda sa isang LTO Administrative Order na ngayon ay may mas mataas na parusa laban sa mga pasaway na Manufacturers, Assemblers, Importers, Rebuilders, Dealers and Other Entities (MAIRDOE) na awtorisadong mag-angkat ng mga sasakyang de-motor at mga bahagi nito.

Sa ilalim ng amendment na inaprubahan ni Secretary Bautista, mas mataas na parusa ang ipapataw sa 1. commission of fraud and misrepresentation in the filing of the application and its operations, including stock and sales reporting; and, 2. the submission of fraudulent, fake or falsified stock/sales periodic reports as required by law, rules and regulations.

Para sa unang pagkakasala sa paglabag sa dalawang nasabing kautusan, ang mga parusa ay ang Suspension of Certificate of Accreditation na hindi hihigit sa anim (6) na buwan at multa sa halagang P500,000, at pagkansela ng Certificate of Stock Reported (CSR) , lalo na sa pagbebenta at pagpaparehistro ng sasakyan.

Para sa ikalawang paglabag, ang mga parusa ay ang pagkansela ng Certificate of Accreditation at blacklisting sa loob ng isang (1) taon mula sa finality ng order ng pagkansela, at pagkansela ng Certificate of Stock Reported (CSR), sales report at registration ng sasakyan.

Sinabi ni Assec Mendoza na ang panahon ng pagsususpinde ay magsisimula lamang sa pagtatapos ng kautusan o desisyon at pagbabayad ng multa na ipinataw at sa panahon ng pagsususpinde, ang user log-in ng MAIRDOE ay dapat i-deactivate.

“The LTO reserves the right to institute criminal actions against the concerned person or entities who committed the above serious offenses,” saad ni Assec Mendoza.

Dahil tinuturing na mabigat ang dalawang paglabag, sinabi ni Mendoza na kasama rin sa parusa ang 90-araw na preventive suspension na magsisimula pagkatapos matanggap ang Show Cause Order na ilalabas ng LTO.

Sa parehong AO amendment na inaprubahan ni Secretary Bautista, nakasaad dito ang mga hindi gaanong seryosong pagkakasala na kinabibilangan ng 1. Failure to comply with the standard requirements and other laws and their implementing rules and regulations relating to the (MAIRDOE) business operations; and, 2. Allowing the use of its accreditation by non-accredited persons or entities.

Ang parusa sa unang paglabag ay P100,000; ang pangalawang paglabag ay P500,000 at para sa ikatlong paglabag ay P1 milyon.

Para sa ikaapat na paglabag, ang parusa ay ang pagkansela ng Certificate of Accreditation at blacklisting sa loob ng isang (1) taon mula sa finality ng order ng pagkansela.

“The period of suspension shall start only upon finality of the Order/Decision and payment of the fine imposed. During the period of suspension, the user log-in of the MAIRDOE shall be deactivated,” ayon kay Assec Mendoza.

Si Assec Mendoza ay nagpahayag ng pag-asa na ang mas mahigpit na mga parusa ay magpipilit sa MAIRDOE na mahigpit na sundin ang mga patakaran at regulasyon, na nagsasabi na ito ay magwawasto sa patakaran noon kung saan ang pasaway na MAIRDOE ay maaari pa ring makipagtransaksiyon sa LTO.

Binanggit niya ang kaso ng mga mapanlinlang na transaksyon na kinasasangkutan ng dalawang Bugatti Chiron na nagsilbing eye-opener upang suriin ang umiiral na patakaran at kalaunan ay itama ito dahil napagkaalaman na masyadong mababa ang mga parusa.

“On behalf of the men and women of the LTO, I express my deepest gratitude to Secretary Bautista for his continuous support in our reform programs aimed at further improving the services to our clients under President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.’s Bagong Pilipinas,” saad ni Assec Mendoza.

AUTHOR PROFILE