Mendoza

Operasyon ng mga colorum na sasakyan wawakasan na

April 10, 2024 Jun I. Legaspi 199 views

MAKIKIPAG-ugnayan ang mga matataas na opisyal ng Land Transportation Office (LTO) sa iba pang law enforcement agencies sa pagbuo ng komprehensibong plano para tuluyang wakasan ang iligal na operasyon ng mga colorum na sasakyan sa buong bansa.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na magiging mas agresibo ang anti-colorum kaysa dati, binanggit nito ang masamang epekto nito sa mga lehitimong transport operator na nagsabing 30 porsiyento ng kanilang kita kada araw ang nawawala sa mga colorum operator.

“Taking the cue from the President’s directive, which was echoed by the Department of Transportation Secretary Jaime J. Bautista, the LTO intends to double time its efforts and widen its net by coordinating efforts with the PNP, PCG and SAICT,” ayon kay Assec Mendoza pagkatapos ng Bagong Pilipinas Townhall Meeting kasama si President Marcos Miyerkules, April 10, sa San Juan City.

Ang LTO ay nangunguna sa anti-colorum drive mula noong July ng nakaraang taon, na nagsasagawa ng mga operasyon sa mga lugar na binigyan ng tip ng mga confidential informants at patuloy na nagsagawa ng operasyon nang lampas sa oras ng opisina.

Bilang dating miyembro ng task group laban sa colorum ilang taon na ang nakararaan, si Assec Mendoza ay nagpapatupad ng magagandang gawi at nire-recalibrate ang mga istratehiya na ipinatupad noon laban sa mga colorum na sasakyan.

Ibinunyag din ni Assec Mendoza na palalakasin din nila ang koordinasyon sa mga ports authority upang matiyak na hindi makakabiyahe ang mga colorum na sasakyan sa inter-island travel, lalo na gamit ang Roll On, Roll Off (RoRo) vessels.

“We will shut the doors in the various ports to prevent colorum motor vehicles from travelling from Visayas to Metro Manila,” saad ni Assec Mendoza.

“We will also hit them at the terminals and expressways. We will control key junctions through in key cities to prevent them from plying,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Assec Mendoza na magkakaroon ng coordination meeting sa Philippine National Police at Philippine Coast Guard sa paghahanda ng mga kasong kriminal laban sa mga colorum na driver at operator na huhulihin.

Ang mga nagpapatakbo ng colorum na sasakyan ay may parusang pagkakakulong na hanggang anim na taon at multang aabot sa P2 milyon.

Sa pagpupulong ng Townhall, idiniin ni Pangulong Marcos ang pangangailangang palakasin ang pagsisikap laban sa mga colorum na sasakyang de-motor.

Inatasan ng chief executive ang Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na manguna sa operasyon.

Sinabi naman ni Assec Mendoza, sa kanyang bahagi, na patuloy silang makikipag-ugnayan at makikipagtulungan sa DILG alinsunod sa patnubay ni Secretary Bautista upang makahanap ng mas maraming paraan sa paghabol sa mga colorum operator at driver.

AUTHOR PROFILE