Father of OPM, Danny Javier, 75

November 2, 2022 Aster Amoyo 738 views

Apo

NAGLULUKSA ang music and entertainment industry sa pagpanaw ng singer-songwriter, musician, actor, TV host and businessman at isa sa dating miyembro ng iconic musical trio na APO Hiking Society na si Danny Javier.

Si Danny ay sumakabilang-buhay nung nakaraang Lunes, October 31, 2022 due to his lingering illness sa edad na 75.

It was Danny’s longtime friend and one of the former members of APO Boboy Garovillo (along with Jim Paredes) who told us last month that Danny was sick and that he was in and out of the hospital. The last time he was brought to the hospital ay nadala pa ito sa ICU.

Pagbabahagi ni Boboy sa kanyang Instagram account: “Just feeling the loss of an old faithful friend who knew what love is although sometimes it just doesn’t show. My friend lives on in his music.”

Ipinanganak sa Abuyog, Leyte, si Danny ay nakatatandang kapatid ng singer-comedian na si Dyords Javier at successful businessman at politician na si Sandy Javier (may-ari ng Andok’s chicken). Pamangkin naman niya si Mica Javier (daughter of Sandy) na isa ring singer-actress at misis ng R&B singer-songwriter and record producer na si Jay-R.

Si Danny ay mas matanda sa dalawa pang APO na sina Boboy (72) at Jim (71).

It was in 1969 nang mabuo ang Apolinario Mabini Hiking Society na kinabibilangan ng 16 members na mga high school students ng Ateneo de Manila.

Bukod kina Danny, Boboy at Jim, ang iba pang naging miyembro ng grupo noon ay sina John Paul Micayabas, Kenny Barton, Lito de Joya, Doden Besa, Bruce Brown, Gus Cosio, Butch Dans (who later became the trio’s manager), Renato Garcia, Chito Kintanar, Geoff Macaraeg, Sonny Santiago, Kindo Sawada and the late Ric Segreto.

Pagka-graduate ng high school ay nagkani-kanya at iba’t ibang field ang pinasok ng ibang miyembro at tanging sina Danny, Boboy at Jim na lamang ang natira sa grupo.

Ginawa na lamang nilang APO Hiking Society ang pangalan ng grupo.

Pumaimbulog sa kasikatan ang APO nung dekada 70. It was Danny who coined the word OPM for Original Pilipino Music nang sila’y maging record executives noon ng Jem Records. Kaya maituturing na si Danny ang Father of OPM or even King of OPM.

Danny was also a prolific songwriter at marami sa mga classic hit songs ng trio ay siya ang nagsulat .

APO was known for popular songs tulad ng “Batang-Bata Ka Pa,” “Awit ng Barkada,” “When I Met You,” “Panalangin,” “Ewan,” “Kaibigan,” “Blue Jeans,” “American Junk,” “Nakapagtataka,” “Bawat Bata,” “Show Me A Smile,” “Pumapatak Na Naman ang Ulan,” “Ewan,” “Mahirap Magmahal ng Syota ng Iba” at marami pang iba.

It was In 2010 nang mag-desisyon ang tatlo na huminto na sa kanilang singing career. Pero nagpatuloy si Boboy sa ibang field – acting although at times ay kumakanta pa rin siya either with Danny or Jim. Si Danny ay nag-focus sa kanyang mga negosyo at kasama na rito ang Pidro brand ng t-shirts.

Ang APO ay nakapag-record ng halos 30 albums in a span of over 40 years. Pero nagpatuloy ang pagiging magkakaibigan ng tatlo maging ang kanilang respective families.

Maaga mang namaalam si Danny, mananatili sa puso’t isipan ng mga tao ang mga awiting pinasikat ng APO na karamihan ay siya mismo ang nag-compose.

Robi

KathNiel at barkadang celebs sa Japan nag-Halloween

NGAYONG bukas na muli sa mga turista ang Japan, dagsa ang mga Pinoy sa nasabing lugar including popular celebrities.

Most recently ay dumayo sa bansa ng Cherry Blossoms ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Robi Domingo and his non-showbiz girlfriend na si Maiqui Pineda, maging ang rumored sweethearts na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde kasama si Joshua Garcia at iba pa.

Super enjoy ang tropa sa lamig ng panahon at masasarap na pagkain sa nasabing bansa kung saan sila nag-celebrate ng Halloween. Ito rin ang first time ng barkada na magbakasyon sa Japan na magkakasama.

Jonas muntik mabiktima ng stampede sa South Korea

PERSONAL na na-witness nina Kuya Kim Atienza at ang Miss Universe Philippines executive na si Jonas Gaffud at ilang mga kababayan natin ang tragedy sa Itaewon, South Korea sa celebration ng Halloween party kung saan 154 ang casualties at kasama na rito ang K-Pop singer-actor na si Lee-Jihan at 26 foreigners na dinagsa ng mahigit 100,000 participants. Ang mga namatay ay lahat biktima ng stampede, the worst that ever happened sa nasabing lugar.

Ayon kay Jonas, kung hindi umano sila napagitna sa mga ambulance cars ay baka kasama umano sila sa pinaglalamayan ngayon.

Dalawang taon nahinto ang celebration ng Halloween sa nasabing lugar dahil sa pandemic na dinadagsa ng mga tao hindi lamang ng Seoul Korea, kundi maging ng mga turista galing sa iba’t ibang bansa.

Pingris

Buhay ni Marc inspiring

NAPAKA-INSPIRING ng buhay ng retired PBA player na si Marc Pingris (husband ni Danica Sotto-Pingris) na sa batang edad ay tumulong noon sa paghahanap-buhay ng kanilang single mom nang abandonahin silang tatlong magkakapatid ng kanilang French dad.

Nang maging isang professional basketball player si Marc ay ipinambili niya ng house and lot ang kanyang unang suweldo sa PBA at ginawa niyang surprise gift sa kanyang ina.

Hinding-hindi makakalimutan ni Mark ang hirap na pinagdaanan nila ng kanyang ina at dalawa pang kapatid kaya ito ang kanyang naging inspirasyon na pagbutihin ang kanyang paglalaro ng basketball para matulungan ang kanyang pamilya.

Marc is happily married to Danica Sotto (eldest child ng dating mag- asawang Vic Sotto at Dina Bonnevie) at magta-tatlo na ang kanilang supling dahil ipinagbubuntis ngayon ni Danica ang kanilang third baby.

The couple have been married now for 15 years since 2007. Sina Jean Michael at Anielle Micaella ang naunang mga anak ng mag-asawa.

Piolo

Piolo walang hinto sa trabaho

SA darating na January 12, 2023 ay magpu-46 years old na ang Kapamilya heartthrob, ang singer, actor at entrepreneur na si Piolo Pascual pero patuloy siya sa pagiging busy sa kanyang trabaho.

Matapos ang kanyang drama series sa ABS-CBN, ang “Flower of Evil” with Lovi Poe, agad ito sinundan ng kanyang series of concert tour with New York-based singer-actor (at dating kasamahan sa ABS-CBN) na si Jericho Rosales which will bring them to Vancouver, Canada ngayong November 4, Calgary, Canada on November 5, sa Houston, Texas on November 12 at sa Sacramento, California, USA on November 13.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay nakatakda niyang simulan sa December ang bago niyang movie with Kyle Echarri. Isa itong action movie at mag-ama ang kanilang papel ni Kyle.

Nasa line-up na rin ng mga gagawin niyang proyekto ang series na gagawin nila ni Sam Milby for Netflix at isang musical sa CCP next year.

Piolo remains to be one of the most in-demand singer-actor at celebrity endorsers.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE