Default Thumbnail

Ex-pulis, patay sa pamamaril sa S. Cotabato

January 10, 2023 Zaida I. Delos Reyes 268 views

PATAY ang isang retiradong pulis matapos na barilin ng hindi pa nakikilalang suspek nitong Lunes ng hapon sa Polomolol, South Cotabato.

Ang biktima ay isang retiradong police major, nagtatrabaho bilang head ng Polomolok Civil Security Unit (CSU).

Batay sa ulat, pangatlo na ang biktima sa mga pinapatay na miyembro ng CSU simula Enero 6.

Ayon kay Lt. Col. Marvin Duada, acting chief ng Polomolok Police, nasa loob umano ng kanyang bahay ang biktima na matatagpuan sa Tuazon Subdivision nang paulanan siya ng bala ng suspek.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Nakuha mula sa pinangyarihan ng krimen ang 17 bala ng .45 at. 9mm na kalibre ng baril.

Sinabi ni Duada na nitong Enero 6, dalawa pang kasamahan ng dating pulis na nakilalang sina retired police Sgt. Bonifacio Cabisada, 58 at Jessie Arciete, 56 ang pinaslang din.

Ang dalawang biktima ay lulan ng isang motorsiklo nang pagbabarilin ng mga suspek sa Barangay Bentung.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.