Default Thumbnail

Ex-cop na AWOL timbog sa droga, baril, granada sa Ecija

May 14, 2023 Steve A. Gosuico 309 views

SAN JOSE CITY — Arestado ang isang dinismis na dating pulis sa isinagawang buy-bust operation dito nitong Biyernes, iniulat ng pulisya dito.

Ang naarestong suspek ay kinilala na isang 44-taong-gulang na dating pulis, taga-Villa Maragol, Science City ng Muňoz, na nag-AWOL (Absent Without Official Leave) sa kanyang nakaraang tungkulin bilang isang pulis corporal na nakadestino sa Science City of Munoz station.

Sinabi ni City police chief Lt. Col. Marlon M. Cudal na nagsagawa ng surveillance operations ang kanyang mga tauhan at miyembro ng provincial police anti-illegal drugs enforcement unit laban sa suspek na humantong sa pagkakaaresto sa Bgy. Caanawan alas-8:20 ng umaga dito.

Sinabi ni Cudal na ang dating pulis na tinaguriang “drug-listed personality” ay naaresto matapos magbenta ng P1,000 halaga ng shabu sa isang undercover na operatiba.

Nakuha rin sa suspek ang isa pang tatlong plastic sachet na naglalaman ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000 na may timbang na 0.18 gramo, ani Cudal.

Narekober din mula sa suspek ang isang cal. 45 pistol na may magazine na may pitong bala, isang MK2 fragmentation grenade, isang mobile phone, isang police bull ring at isang Honda Click 125 motorcycle.

Magkahiwalay na kaso ng paglabag sa Republic Acts 9165, 10591 at 9516 ang isinampa laban sa suspek sa city prosecutor’s office dito.

AUTHOR PROFILE