Default Thumbnail

Cash ayuda imbes na binhi, pataba para sa mga magsasaka hiniling

May 14, 2023 Steve A. Gosuico 233 views

SAN JOSE CITY — Hiniling ni City Mayor Mario “Kokoy” Salvador sa Department of Agriculture na ang ipamahagi na lang sa mga magsasaka ay cash assistance sa halip na farm subsidies katulad ng libreng certified seeds at fertilizers dahil sa kadalasan ay nahuhuli ang bigayan nito at wala na sa timing dahil kapag ito ay dumating ay patapos na ang taniman o di kaya ay mag-aanihan na.

“Malaking problema natin iyang binhi at fertilizer, minsan wala sa timing, kapag dumating ang binhi mula sa DA siyempre babagsak sa LGU. Kami ang mamamahagi, ang problema natin nakatanim na ang tao kapag dumating ang binhi. Kapag dumating naman ang fertilizer tapos na din gumamit ng fertilizer ang mga magsasaka. Kung minsan malapit na nga anihin. Kaya wala sa timing kung minsan, kaya iyan ang mga dapat baguhin,” sinabi ni Salvador sa mga kaanib ng Nueva Ecija Press Club sa pangunguna ni Pangulong Gina Magsanoc sa isang media forum sa kanyang opisina dito nitong Miyerkules.

“Eh ako naman kapag nakakausap ko ang mga farmers’ group sabi ko, kapag nakarating tayo sa Kongreso huwag na nating gawin iyon. Iyung pondo ng binhi, iyung pondo ng fertilizer ng national, i-cash na lang natin, ibigay sa farmers, para kung hindi pa siya nakatanim may natanggap na siyang ayuda, siya na ang bibili ng binhi, kung nakatanim naman na siya, natanggap niya ang cash, eh di may pambili na siya ng fertilizer, iyung inputs niya nabawasan,” ang saad ng three-termer city mayor.

“Kaya dapat imbes na naglalaan pa ang national government natin sa binhi, sa fertilizer, gawin na lang nating cash ayuda sa magsasaka para nasa timing kahit kailan pa dumating ito eh nasa timing pa rin,” dagdag ni Salvador, na seryosong kinokonsidera ang plano na tumakbo bilang kongresista para sa ikalawang distrito ng lalawigan sa susunod na 2025 eleksyon.

AUTHOR PROFILE