PRC Larawan: PRC

PH nagtala ng 20,890 bagong elem, 50,539 secondary teachers

May 24, 2024 People's Tonight 88 views

UMABOT sa 71,429 ang bagong mga guro ng bansa matapos pumasa sa Licensure Examination for Professional Teachers (LEPT) nitong Marso 2024.

Ang pagsusulit ay isinagawa sa 36 testing centers sa bansa.

Ang mga miyembro ng Board for Professional Teachers na nagsagawa ng pagsusulit ay sina Dr. Rosita Navarro, chair; Dr. Paz Lucido, vice-chair; at Dr. Paraluman Giron at Dr. Nora Uy, mga miyembro.

Pumalo sa 46.67 percent ang passing rate para sa elementary teachers dahil sa 20,890 ang pumasa mula sa 44,764 na examinees sa naturang lebel.

Mayroon namang 58.78 percent ang passing rate ng secondary teachers dahil 50,539 mula sa 85,980 examinees ang pumasa sa nasabing lebel.

Nanguna sa elementary level sina Mary Grace Bamba ng Bataan Peninsula State University – Dinalupihan; Khane Jevie Rose Cervantes ng Davao Oriental State University – Cateel Campus; at Queenie Macatangay ng University of Batangas, na parehong nakakuha ng 92.40 percent.

Si Javerson Loquina naman ng Christian Colleges of Southeast Asia ang nanguna sa secondary level matapos niya makamit ang 92.80 percent.

Maaaring ma-access ang listahan ng mga pumasa sa elementary level sa pamamagitan ng link na ito: https://drive.google.com/file/d/1_fffk1ZVXcyQI6P0Js5qrtQXZBBcTZVw/view.

Narito naman ang buong listahan ng mga pumasa sa secondary level: https://drive.google.com/file/d/1epfiTdV8oZVm-GZeAU5CRQlbf02CAZ2k/view.

AUTHOR PROFILE