Dominic kumonsulta na sa abogado

February 21, 2024 Aster Amoyo 221 views

JalosjosBINASAG na rin ng actor na si Dominic Roque ang kanyang katahimikan na may kinalaman sa kung anu-anong malicious speculations ang naglabasan thereby questioning his sexuality at marami na ring mga inosenteng tao ang nada-drag sa kontrobersiya na nag-ugat lamang sa recent break-up nila ng kanyang fiancée na si Bea Alonzo.

Kumunsulta ang pamangkin ni Beth Tamayo sa kanyang abogado at may mga legal actions umano itong gagawin laban sa nagpapakalat ng mga maling information at akusasyon sa kanya. Ganito rin umano ang plano ng politician-businessman na si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos, anak ng negosyante at dating kongresista na si Romy Jalosjos.

Si Mayor Bullet ay kaibigan ni Dominic at siyang nagma-may-ari ng condo unit na inuupahan ng actor.

Tinatawanan lamang ng isa pang businessman at dating kongresista na si Bong Suntay ang pagkakadamay ng kanyang pangalan sa break-up nina Dominic at Bea.

While Dominic is a friend, ang actor ang naging brand ambassador ng Clean Fuel gasoline pumping station na meron nang maraming branches. Pinabulaanan ni G. Suntay na merong pagmamay-aring gasoline branch ang actor liban sa pagiging celebrity endorser nito dahil lahat umano ng branches ng Clean Fuel ay company owned.

Klinaro rin ng kampo ni Dominic na hindi umano naging issue sa kanila ni Bea ang tungkol sa pre-nup agreement.

Parehong nasa moving on stage ang dating engaged couple na sina Dominic at Bea after their called-off engagement at relationship at umaasa ang dalawa na sana’y bigyan sila ng pang-unawa at suporta sa kanilang pinagdadaanan sa kasalukuyan.

Ang unang public appearance ni Dominic ay nang manood siya sa reunion concert ng Rivermaya last February 19 na ginanap sa SMDC Festival Grounds in Paranaque kung saan niya kasama ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Si Dominic ay parang anak-anakan na rin ni Juday na best friend at kumare ng kanyang tiyahin na si Beth Tamayo na naka-base na ngayon sa San Francisco, California, USA. Si Beth and her family ay nadalaw pa ni Dominic at former fiancée na si Bea nang magbakasyon ang dalawa sa Amerika two years ago.

Noontime show ng mga Jalosjos malaki ang problema

TahananTVJShowtimeMUKHANG hindi matapos-tapos ang matinding problemang kinakaharap ng TAPE, Inc. na pinamumunuan ngayon ni Romeo `Jon-Jon’ Jalosjos, Jr. bilang president-CEO at kapatid nitong si Seth Frederick `Bullet’ Jalosjos as CFO dahil lumulutang ang balita na may kinalaman sa malaking pagkakautang umano ng kumpanya sa GMA na abot na umano ng P800-M.

May mga blind items na naglabasan na malaki ang problemang kinakaharap ng isang noontime program pagdating sa usaping pinansyal at hindi nagtagal ay lumutang na ang balita na nanganganib umano ang “Tahanang Pinakamasaya,” ang programang ipinalit sa dating “Eat Bulaga” nina Tito, Vic & Joey.

Magmula nang magkaroon ng problema ang bagong pamunuan ng TAPE, Inc. at ang original hosts ng “Eat Bulaga” na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ay tila hirap na umanong makaahon ang ipinalit na bagong noontime show at mga host nito na kinabibilangan ng actor at dating Manila Mayor Isko Moreno, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar, Mavy Legaspi at iba pa. Nabawasan na rin umano ang commercial load ng programa magmula nang mawala ang “Eat Bulaga” at sina Tito, Vic & Joey at magkaroon na ito ng sarili nilang programa sa TV5.

Dahil sa balitang ito, nag-conclude na kaagad ang marami na malamang na ang “It’s Showtime” ang ipalit sa “Tahanang Pinakamasaya” sakaling hindi na ito i-renew ng GMA.

Ongoing pa rin ang noontime supremacy between “Eat Bulaga” on TV5 and “It’s Showtime” on GTV. Sadly, napag-iiwanan pa rin ang ‘Tahanang Pinakamasaya’ ng dalawang naunang established noontime programs.

Benjie tuloy ang pagpo-produce kahit di kumita ang pelikula

BenjieBenjie1HINDI man tumabo sa takilya ang first attempt ng BMC Films ni Benjie Manansala Cabrera bilang producer sa pamamagitan ng pelikulang “Broken Hearts Trip” na pinamahalaan ni Lemuel Lorca at tinampukan ng award-winning actor na si Christian Bables kasama with Teejay Marque, Iyah Mina, Petite, Jay Gonzaga, Andoy Ranay, Marvin Yap and with the special participation ni Jaclyn Jose, hindi ito dahilan para umatras si Benjie bilang film producer.

Naging malaking hamon sa Los Angeles, California-based businessman at movie producer ang kanyang unang karanasan sa pagpu-produce ng pelikula at marami umano siyang natutunan. Pero ang pinakamalaking hamon sa kanya bilang producer ay nang makapasok sa 49th Metro Manila Film Festival bilang isa sa sampung kalahok ang kanyang unang proyekto.

“Sa rami ng mga nag-sumite, pinalad ang “Broken Hearts Trip” na makapasok sa sampung official entries na isang malaking karangalan laluna na isang baguhang film producer katulad ko,” pahayag pa ni Benjie.

Ang “Broken Hearts Trip” was also among the ten movies screened in Hollywood sa kauna-unahang Manila International Film Festival nung nakaraang January 29 to February 2, 2024.

Lumipad patungong Amerika sina Christian Bables at Marvin Yap to represent the movie sa 1st MIFF na ginanap sa TCL Chinese Theatres in Hollywood, California, USA gayudin ang kauna-unahang gala at awards night ng MIFF na ginanap naman sa Directors Guild of America (also in Hollywood).

Samantala, nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Benjie to meet up with some film producers and industry people for his next film project. He’s also glad na na-meet niya in person ang award-winning writer-director na si Joey Javier Reyes sa MIFF na plano niyang makatrabaho someday.

Kulang na kulang pa rin ang mga active film producers sa Pilipinas kaya ang pagpasok ng bagong film producer tulad ng BMC Films ay welcome sa industriya.

Christian babalik sa Amerika

PURING-PURI si Christian Bables ng mga kababayan natin sa Amerika dahil sa pagiging warm at accommodating nito during the 5-day film fest. Dahil first trip ito ni Christian sa Amerika, nag-extend siya ng kanyang stay until February 15, 2024 and he had a chance na makapamasyal sa maraming lugar including Las Vegas, Nevada.

“I’m just so lucky na napakabait ng producer ko sa “Broken Hearts Trip” na si Sir Benjie maging si Sir Geoff (Jimenez) and all the people na nakilala ko run,” pagbabahagi ni Christian,

“Ang pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng second family sa Amerika,” pagmamalaki pa ng award-winning actor na tulad ng veteran award-winning actor na si Christopher de Leon ay kinalimutan ding ma-nominate man lamang bilang Best Actor ng MIFF jurors.

Pero sa halip na mag-harbor ng ill feelings ay nagpasalamat pa si Christian sa mainit na pagtanggap sa kanya ng kanyang mga kababayan sa Amerika laluna sa kanyang mga hosts and new-found friends sa kanyang almost one-month stay in Los Angeles, California.

“Definitely, babalik ako,” deklara pa ng lead actor ng “Broken Hearts Trip”.

Samantala, nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Benjie to meet up with some film producers and industry people for his next film project. He’s also glad na na-meet niya in person ang award-winning writer-director na si Joey Javier Reyes sa MIFF na plano niyang makatrabaho someday.

Kulang na kulang pa rin ang mga active film producers sa Pilipinas kaya ang pagpasok ng bagong film producer tulad ng BMC Films ay welcome sa industriya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE