Jalosjos

Mayor Bullet, magdedemanda!

February 20, 2024 Vinia Vivar 113 views

Nagsalita na rin sina Dapitan Mayor Bullet Jalosjos at Cong. Bong Suntay sa pagkaka-link nila kay Dominic Roque.

Sa panayam ni Jay Ruiz ng Sentro Artista Philippines, itinanggi ng dalawang kontrobersyal na politiko ang malisyosong balita na naglalabasan.

Anila, magkakabarkada sila ni Dominic.

Ayon kay Mayor Bullet, more than 10 years na ang pagiging magkakabarkada nila na nagsimula umano sa hilig nila sa pagmomotor.

May grupo sila na tinatawag na “Euro Monkeys” na pawang motorcycle riders ang miyembro.

Common knowledge na kasama sa grupo nila sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez at Kim Atienza.

Ayon kay Mayor Bullet, pinagtatawanan na lang nila ang isyu na “Sugar Daddy” siya ni Dominic at ibinahay niya sa isang condo.

“’Yung condo, akin talaga ‘yun,” pag-amin ng mayor na ang tinutukoy nga ay ang condo unit na tinitirahan ni Dom.

“Ginawa ko siyang Airbnb but because of the pandemic, pinagbawalan kami i-open for Airbnb and siyempre, as a friend, barkada, si Dom asked me if I want it to have it rented. Eh, hindi ko naman ginagamit kasi I stay in Dapitan City now and I live in Alabang, so siyempre, ipapa-rent natin sa barkada natin for a good price.

“Natawa lang ako kung bakit tumalon ‘yung issue from a business to binahay na, eh,” sabi ni Mayor Bullet.

“Sana naman itong mga nagkakalat, claiming they are mga batikang journalist, sana naman ingat-ingat din. Kasi they have responsibility to the people dapat fact-finding,

“Hindi ‘yung nalaman nila nasa pangalan ko ‘yung condo sugar daddy na ‘ko bigla,” patuloy pa niya.

Ayon pa sa politiko, naaawa rin sila kay Dominic na affected na nga sa breakup ay kung anu-ano pang tsismis ang ibinabato.

“Naawa rin kami kay Dom. Affected na nga ‘yung tao sa breakup ililink pa kami sa kanya. Kami, pinagtatawanan lang talaga namin, but at some point, kailangan talaga tumigil and I think these people have to also be reprimanded. Kailangan may consequences din ‘yung ano. May batas tayo, eh,” saad pa ni Mayor Bullet.

May resibo siya na binabayaran ni Dom ang condo.

Sinagot naman ni Cong. Suntay ang tsismis na binigyan niya ng gasoline station si Dominic komo pag-aari niya ang Clean Fuel na ini-endorse ng ex-fiance ni Bea Alonzo.

“Kung talagang magre-research lang, makikita nila as early as five years ago talagang brand ambassador na si Dominic. Ang nakakagulat nga, ‘yung pinost pa nilang picture ‘yung contract signing namin ni Dom na kinukuha siyang endorser,” paglilinaw ni Cong. Suntay.

Samantala, sinabi ni Mayor Bullet na gagawa siya ng legal action laban sa mga nagpapalabas ng malisyosong balita tungkol sa kanila ni Dominic.

AUTHOR PROFILE