Joel

Direk Joel, bet sina Angelica at Quinn

June 9, 2022 Ian F. Fariñas 231 views

Angelica

PURING-PURI ng batikang direktor na si Joel Lamangan sina Angelica Cervantes at Quinn Carrillo, dalawa sa mga bida sa latest project niyang Biyak para sa Vivamax, sa pagiging professional at mahuhusay na artista.

Ilang beses nang nagkatrabaho sina Direk Joel at Quinn sa mga pelikulang tulad ng Silab, Island of Desire at Moonlight Butterfly, kaya naman buo ang tiwala nila sa isa’t isa pagdating sa maseselang mga eksena.

Si Angelica naman, nakatrabaho na raw si Direk Joel sa dalawang proyekto. Gaya ni Quinn, maganda rin ang paglalarawan ng direktor sa kanya bilang artista.

Ani Direk Joel sa virtual mediacon ng Biyak, “They (Quinn and Angelica) are two young, exciting actresses. They are professionals, very, very important sa akin kasi ang pagiging professional, meaning, they know what they are doing, they know the task being assigned to them and they do it very well. They are not ashamed to ask, they are not ashamed to make mistakes and they are not offended if they are corrected. They are good actresses. Sana they remain to be such humble people. And I like those kind of people, ’yon.”

Challenging ang papel na ginagampanan ng dalawa sa Biyak na, ayon kay Direk Joel, ay may kinalaman sa “cut” o “komisyon” na nakukuha mula sa ginawang proyekto.

“Hindi iyon ’yung malaswang ‘biyak’ kundi ito’y komisyon o cut ng ginawang project,” paglilinaw pa ng direktor.

Si Angelica si Violet, isang babaing pinipilit maging masaya sa kabila ng nagaganap na pang-aabuso sa kanya. Si Quinn naman si Samantha, kapatid ni Violet, isang maangas at astig na police asset.

Kakaiba raw ang papel nilang dalawa sa Biyak at pareho silang nagpapasalamat sa suporta’t gabay na ibinigay ni Direk Joel sa pagbuo ng mga character nila.

“Basta maangas siya, kakaiba sa lahat ng nagawa ko nang karakter, even the hairstyle, sobrang thankful ako kay Direk dahil inayos niya ang karakter ko. Playful siya at fun gawin at the same time, very, very challenging,” turan ni Quinn na, incidentally, ay siya ring sumulat ng istorya katuwang si Troy Espiritu.

Kasama rin nina Angelica at Quinn sina Albie Casiño at Vance Larena sa Biyak na streaming na exclusively sa Vivamax simula July 1.

AUTHOR PROFILE