Anne

Regine, na-affect ng daring pictorial ni Anne

June 9, 2022 Ian F. Fariñas 147 views

PASIKLAB ang series of daring pictorials na ipinost ni Anne Curtis sa kanyang social media accounts para sa comeback concert niyang Luv-Anne na gaganapin bukas, Sabado, sa Resorts World Manila kaya naman hindi ito nakalagpas maging sa mga mata ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Pakwela pa ngang ni-repost ni Regine ang isa sa pictures ni Anne kahapon sabay tulong sa pagpo-promote ng Luv-Anne.

Caption ni Regine sa IG repost, “Hay ito naman si @annecurtissmith ginamit na naman picture ko! Ay teka parang hindi nga ako to…. naalala ko lang hindi pala kaya ng powers ko to. anyway mga bakla hinintay nating bumalik at mag concert uli si Atching Anne ito na kaya get your tickets NOW!!!! (with a very high voice na pang don’t wanna miss ATING!!!) This Saturday at the Resorts World Manila.”

Speaking of Luv-Anne, ang follow-up sa last performance niyang AnneKulit: Promise, Last Na ‘To, marami raw bagong kanta si Anne sa repertoire na hindi aakalain ng marami na makakaya niyang kantahin.

Aniya pa, nag-take siya ng voice lessons kay Kitchie Molina dahil nag-iba ang timbre ng boses niya matapos magbuntis at manganak kay Dahlia.

Dagdag ni Anne, “There’s a lot of music heard on TikTok as well. Pero hindi pa rin mawawala ang OPM and also some diva songs.”

Isa raw sa mga kakantahin niya ang Lose You to Love Me ni Selena Gomez.

Bukod dito, pulos iconic daw ang isusuot niyang outfit na gawa ng local at international designers.

“Each costume change will be iconic,” diin niya.

Ang batikang composer na si Louie Ocampo ang tatayong musical director ng Luv-Anne habang si Paolo Valenciano naman ang director nito.

AUTHOR PROFILE