Default Thumbnail

‘Digital license’ inihirit pag-aralan muna

May 15, 2023 Jun I. Legaspi 233 views

NANAWAGAN ang commuter at transport groups sa liderato ng Land Transportation Office (LTO) na subukan muna ang “digital (driver’s) license” kung practical at epektibo bago ipatupad.

Sa isang text message, sinabi naman ni Engineer Alex Yague, Executive Director ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), na mas praktikal ang may hard copy ng driver’s license.

“Kahit naka-print lang sa papel habang on process of testing yung digital license at sana palaging 100% ang Internet connection,” saad ni Yague.

Paliwanag pa ni Yague, isang malaking hamon sa mga drivers ang pagkuha ng driver’s license dahil ang Land Transportation Management System o (LTMS) ay nag-required sa mga applicants na dapat ay mayroong valid e-mail address.

“Kaya sana subukan muna bago ipatupad ng tuluyan,” pasubali ni Yaque.

Sa hiwalay na pahayag, inayunan ng isang commuter group ang pahayag ni Yague na dapat pag-aralan itong mabuti at subukan muna bago ipatupad ng tuluyan ang digital license.

Nauna nang sinabi ng ahensiya na nakatakdang ilunsad ng LTO at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang online o electronic version ng driver’s license sa bansa.

AUTHOR PROFILE