Lambojo Si Allan Lambojo (ikalawa mula sa kaliwa) hepe ng Caloocan Cooperative Development and Coordinating Office, kasama sina Vice Mayor Karina Teh-Limsoco, City Administrator Engr. Oliver Hernandez (kanan) at Councilor Vincent Ryan Malapitan (kaliwa). Photo courtesy ng Caloocan PIO.

Congrats Sir Allan Lambojo sa matagumpay na Cooperative month sa Lungsod-Caloocan

October 29, 2022 Marlon Purification 671 views

Marlon PurificationPUGAY-KAMAY ang ipinaaabot natin sa kaibigang si Mr. Allan Lambojo, hepe ng Cooperative Development and Coordinating Office, dahil naging matagumpay ang pagdiriwang ng Cooperative month sa Lungsod Caloocan.

Siyempre hindi rin magiging matagumpay ang monthlong celebration para sa mga kooperatiba kung wala ang sinsero at wagas na pagtulong nina Mayor Along Malapitan at City Administrator Engr. Oliver Hernandez.

Ang kooperatiba para sa kaalaman ng lahat ay isang organisasyon na puwedeng simulan ng 15 o higit pang katao kung saan ay hinihikayat ang mga miyembro nito na mag-impok at matutong magtabi ng pera para sa kanilang kinabukasan.

Base ito sa nakatadhana sa Republic Act No. 6938 na may layuning tulungan ang kani-kanilang miyembro na makapag-umpisa ng maliit na negosyo sa pamamagitan ng pagpapautang sa mula sa pondo ng kooperatiba.

Sakaling may emergency, puwede ring makautang ang kanilang miyembro sa oras ng pangangailangan, samantalang may mga kooperatiba rin na nagbibigay ng kalakal at serbisyo na hindi nila makakamit sa kanilang trabaho o pribadong institusyon.

Mayroon pa ngang kooperatiba na nagpapahirap ng pera para naman sa edukasyon ng anak ng kani-kanilang miyembro.

Tunay na maganda, wagas at dalisay ang layunin ng bawat kooperatiba na madalas nating naririnig ngayon hindi lamang sa mga kanayunan, kundi pati na rin sa kalunsuran tulad nang sa Caloocan.

Nakatutuwang malaman na sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Along ay patuloy na ipinagdiriwang ang buwan ng kooperatiba tuwing Oktubre.

Unang araw pa lamang nitong Oktubre ay nagkaroon ng kick-off ceremony para sa month-ong celebration sa pamamagitan ng “Cooperative Motorcade” na sinalihan ng 28 sasakyan mula sa iba’t ibang Kooperatiba na nakarehistro sa lungsod.

Isang Cooperative Bazaar din ang isinagawa noong Oktubre 3-7 kung saan ay nanguna sa ribbon cutting ceremony si Mr. Allan Lambojo, Coun. Vincent Ryan R. Malapitan (Chairperson, Committee on Cooperatives), Vice Mayor Karina Teh-Limsico at Engr. Hernandez. May 26 na exhibitor participants ang sumali rito na kinagiliwan din ng lahat upang makapamili ng mura.

Nitong Oktober 17 ay isinagawa ang kauna-unahang Transport Coop Congress na dinaluhan ng 19 na iba’t ibang Transport Cooperatives na nagbigay daan upang matalakay sa pulong na ito ang mga problemang kinahaharap ng mga transport sector.

Noong nakalipas na Lunes, October 24, 2022 ay nagkaroon naman ng GALING KOOP AWARDS 2022.

Sa event na ito ay binigyan ng parangal ang lahat ng mga natatanging Kooperatiba sa iba’t ibang larangan tulad ng Best Cooperative Practices, Best Financial performance, Best number of Cooperative recruitment members at kasama ring binigyan ng pagkilala ang mga nag-participate sa Cooperative Bazaar.

Ginanap ang Galing Koop Awards sa makasaysayang Bulwagang Katipunan, Caloocan City Hall-South.

“Congratulations po sa mga kooperatiba na pinarangalan sa Galing Koop awarding ceremony ng Cooperative Development and Coordinating Office. Malaking bahagi po kayo ng ating tuloy-tuloy na pagbangon. Kinikilala po natin ang inyong patuloy na pagsisikap para sa inyong organisasyon,” ani Mayor Along.

Tiniyak ng alkalde na lahat ng suporta ay ibibigay ng kanyang administrasyon dahil sa magandang layunin at adhikain ng kooperatiba na daan para maging matagumpay ang pampamayanang proyekto ng pamahalaang lokal.

“Ipagpatuloy niyo po ang inyong mga programa para sa inyong sektor at mga miyembro. Palagi po kaming nakasuporta sa inyo sa pamahalaang lungsod,” dagdag pa ni Mayor Along.

Kasabay nito, nais din nating batiin ang lahat ng mga kooperatiba sa lungsod. Harinaway manatili kayong matatag, tapat sa samahan at huwag kayong manawang tumulong sa inyong mga miyembro.

Bilang isa sa naniniwala sa kakayahan at kagalingan ni Boss Allan Lambojo na tagapamahala ng Cooperative Development and Coordinating Office, nasisiguro kong magagabayan kayo ng maayos at anumang problema ay nakahandang tumulong sa inyo ang pamahalaang lokal ng lungsod.

Muli, congratulations sa lahat ng koop sa lungsod and ‘snappy salute’ kina Mayor Along, Engr. Hernandez at siyempre kay Boss Allan Lambojo!