Cesar

Cesar, nakakuha ng medalya sa pagtatapos ng master’s degree

July 8, 2023 Vinia Vivar 335 views

Isa si Cesar Montano sa mga estudyanteng nagtapos ngayong 2023.

Yes, graduate na ang aktor sa kanyang masteral degree sa kursong Public Safety Administration sa Philippine Public Safety College.

Sa kanyang Facebook account ay proud na ipinost ni Buboy ang mga larawan na kuha mula sa kanyang graduation ceremony.

Caption niya, “Salute to everyone! Congratulations mates! MASTER in PUBLIC SAFETY ADMINISTRATION (MPSA) Graduates. @PHILIPPINE PUBLIC SAFETY COLLEGE.”

Sa mga larawan, makikita si Cesar na nakasuot ng kanyang toga kasama ang ilang graduates din.

In a separate video post naman ay mapapanood na nakatanggap din ng parangal si Cesar sa kanyang graduation.

Sinabitan siya ng medalya para sa “Best in Policy Paper Award.”

Sa comment section ay inulan ng pagbati ang aktor.

“With award pa, great achievement Cesar. Congrats!” ang pagbati ng isang netizen.

“Congratulations! Keep up the amazing work and keep doing your best in life stay safe,” anang isa pa.

“Salute talaga sayo Idol Cesar Montano!!!” sey naman ng isang fan.

Matatandaang nakapagtapos na sa kursong Mass Communication si Cesar noong 2009 sa Lyceum of the Philippines University.

AUTHOR PROFILE