Jeric

Jeric, dumepensa sa pang-ookray kay Rabiya

July 8, 2023 Vinia Vivar 300 views

BonGga ang surpresa ni Rabiya Mateo sa boyfriend na si Jeric Gonzales nang bumalik ito mula sa shooting ng pelikulang ginagawa sa Syquijor.

Proud na ipinost ni Jeric sa Instagram ang video ng surprise sa kanya ni Rabiya sa airport na talaga namang mapapa-sana all ang lahat.

Makikita sa video na tumatakbo palapit kay Jeric si Rabiya habang hawak ang bouquet of flowers at isang placard para i-welcome ang BF.

Kitang-kita rin na nagulat si Jeric sa ginawa ng nobya at niyakap niya ito nang mahigpit sa sobrang tuwa.

“You never fail to surprise and amaze me @rabiyamateo kahit na hindi ganun kalayo ang pinuntahan ko para mag work at hindi ganun katagal I felt your love and effort to surprise me. So thank you for being the best partner and person I could ever ask for (purple heart emoji) I love you to the moon and back,” ang caption ni Jeric.

Nag-shooting ang aktor ng kanyang pelikulang Mananambal with Edgar Allan Guzman, Kelvin Miranda at marami pang iba.

Sa comment section ay sumagot si Rabiya.

Aniya, “I read somewhere men would receive flowers for the first time during their funeral. Kaya babaguhin natin yun.”

Sagot naman ni Jeric, “Salamat babe. I love you.”

Inulan ng positive comments at pangangantiyaw na rin mula sa kapwa celebrities ang post ni Jeric.

Pero may isang netizen na nagkomento na OA si Rabiya at hindi ito pinalampas ni Jeric.

Sinagot niya talaga ito nang bonggang-bongga at ipinagtanggol ang GF.

“Hindi po siya OA baka hindi lang po kayo marunong maka appreciate kasi kayo lang po ang nag comment nyan dito sa comment section, lahat sila dito natutuwa so sana matuto po tayo maka-appreciate ng goodness and not the negative things. I hope you find your happiness too para ma feel nyo din ito,” ang sagot ni Jeric sa basher.

Hirit pa ng aktor, “Nakalagay pa naman po sa profile nyo choose to be happy so sana happy din kayo para sa ibang tao.”

AUTHOR PROFILE