Andrea

Andrea, may bagong patutsada kay Ricci

July 8, 2023 Vinia Vivar 223 views

Ang ex-boyfriend na si Ricci Rivero nga ba ang pinatatamaan ni Andrea Brillantes sa kanyang bagong Instagram reel?

Actually, nagpo-promote lang naman si Andrea ng Beautederm product na kanyang ini-endorse, pero nai-connect na agad ito ng netizens sa ex-BF ng aktres.

Sa reel ay makikitang sumasayaw si Blythe sa awiting “Girls Like Me Don’t Cry” na kung bakit timing na timing nga sa kanyang sitwasyon dahil kagagaling lang niya sa breakup.

Caption naman niya, “You’re never too young to take memory boosters! I started taking Kenzen MeMax daily since papalapit na ako mag taping ulit.”

Eh, hindi ba nga’t ang sinasabi ni Andrea ay may nakalimutan sabihin na mga detalye si Ricci nang magsalita ito kamakailan? Hindi raw nito binanggit na nakahubad ang babaing nadatnan niya sa condo nito.

Kaya naman very timely ang pagpo-promote ni Blythe ng memory booster with matching caption pa na tila nga nagpaparinig.

Siyempre, hindi ito nakaligtas sa mga netizen at feeling nila ay nagpaparinig ang aktres.

“Tama ‘yan strong girls don’t cry! Wag kana muna mg bf… piliin mo next time ‘yung pang simbahan na para hindi palit palit,” sey ng isang netizen.

“Memory boosters para kay ex para walang memory gap ‘pag nagkukwento,” komento naman ng isa pang follower.

AUTHOR PROFILE