CALAX nagpapakita ng parte ng MPTC sa pag-decarbonize sa transport sector
ANG Cavite-Laguna Expressway (CALAX), isang proyekto ng MPCALA Holdings Inc. (MHI), isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways (MPTC), ang nagsisilbing infrastructure arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), ay nagpapakita ng ginagampanang parte ng MPTC sa pag-decarbonize ng transport sector sa bansa.
“This is in alignment with the company’s commitment to build with least disruption to the communities and the environment; and supporting Philippines’ first Nationally Determined Contribution (NDC) commitment to reduce greenhouse gas emission by 75% by the year 2030.” ani MPTC Chief Finance Officer at Senior Executive Sponsor for Sustainability, Christopher Lizo.
Ang CALAX ay 45-km high speed road network na nagkokonekta sa mga probinsya ng Cavite at Laguna na tinatayang makapagbibigay serbisyo sa 45,000 motorista sa oras na makumpleto ito. Sa ngayon, ang operational segments ng CALAX ay mula Binan, Laguna hanggang sa silangang bahagi ng Silang, Cavite. Tinatayang matatapos ang proyekto sa taong 2023.
Ang CALAX ay gumagamit ng mga ng mga resource-saving at emission-reduction technologies habang pinapanatili ang high standard road safety features nito.
Ang mga toll plazas ng operational segments ng CALAX ay mayroong mga solar panels na siyang nagbibigay kuryente para sa operasyon nito. Ang total power output nito na 116.58kWp mula nang ma-install ito noong Mayo ay nakatulong na makaiwas sa higit 10,200 kg na carbon dioxide (CO2), na katumbas ng pagtatanim ng 304 na puno. Ang mga naka-install na solar panels at inverter ay kayang tumagal ng 10 at 25 taon. Plano rin ng MHI na paganahin ang lahat ng mga gagawing toll plaza sa expressway sa pamamagitan ng solar photovoltaic (PV) system.
Nakatutulong rin sa pagiging energy-efficient ng expressway ang mga roadway lightings na pinapagana ng mga LED lights. Ang mga kasalukuyan at mga susunod na proyekto rin ay gagamitan ng mga energy-efficient equipment hindi lamang para sa mga light fixtures kundi maging para sa air-conditioning units at refrigerators.
Ang MHI ay nagsasagawa din ng mga carbon offsetting initiatives sa pamamagitan ng pagtanim ng mga puno o paggawa ng mga biodiverse areas sa kahabaan ng CALAX upang ma-offset ang carbon emission ng kompanya, at sa kalaunan, ay pati vehicular emissions ng mga motorista nito. Matatagpuan sa kahabaan ng expressway ang ilang green spaces, ilan sa mga ito ay nasa Mamplasan Entry/Exit Bound (2500 sqm.), Santa rosa Interchange (8500 sqm), at Santa Rosa-Tagaytay Entry/Exit (425 sqm).
Nagpapatuloy din ang landscaping activities sa Subsection 5 -Silang East Interchange na may lawak na 13,800 sqm. Nilalayon din ng kompanya na makapagtanim pa ng 20,000 puno bago matapos ang taong 2022.
Ang headquarters naman ng MHI, ang MPT South Hub, na matatagpuan sa Imus, Cavite ay nag-ani ng Leadership in Energy and Environment Design (LEED) certification para sa building nito, at naglalayon pang makamit ang LEED Gold certification. Ang LEED ay isa sa pinakamadalas gamiting green building rating system sa mundo. Nagbibigay ito ng framework para sa maayos, highly efficient at cost-saving green buildings.
Ang MPT South Hub ay isang 5,237 sqm 4-storey building na may active energy-saving equipment, na nakadisenyo upang makabawas ng humigit kumulang 38% na kuryente. Mayroon ding mga naka-install na solar panels sa lahat ng parking shed nito upang mabawasan ang carbon dioxide emission at makatulong sa pagbawas ng energy consumption. Gayundin, ang Hub ay nakadisenyo na makabawas ng paggamit nito ng tubig sa loob ng building ng 40% gamit ang mga modern water efficient fixtures, at 50 % naman na bawas sa paggamit ng tubig sa labas ng building sa tulong ng rainwater harvesting program nito.
Habang patuloy ang pagsulong ng MHI para sa ecological balance, pinag-aaralan din ng kompanya kung paano pa ito magiging mas sustainable na expressway. Sa MPTC, ang good governance at sustainability ang sentro ng korporasyon.
Ang Green Highway Initiative sa CALAX ay alinsunod sa sustainability efforts ng MPIC na sumusuporta sa United Nation’s Sustainable Development Goals (SDG), partikular sa pag-upgrade ng mga industriya at inprastraktura upang gawin silang sustainable (SDG 9), at pagsulong ng innovation sa building assets alinsunod sa commitment ng kompanya para sa climate action (SDG 13).
Bukod sa CALAX, hawak din ng MPTC ang concession rights ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark Tarlac Expressway (SCTEX), NLEX Connector Road, at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.