Posas

Suspek sa pandurukot naaresto not once but twice

April 28, 2024 Steve A. Gosuico 69 views

CUYAPO, Nueva Ecija–Isang 42-anyos na babaeng suspek sa pandurukot ang inaresto sa ikalawang pagkakataon sa lugar na ito matapos biktimahin ang isang 50-anyos na maybahay noong Sabado.

Sinabi ni Lt. Col. Erwin Ferry, hepe ng Cuyapo police, na inaresto ng kanyang mga tauhan ang suspek na dalaga at taga-Purok 2, Brgy. Balbalungao, Lupao, Nueva Ecija.

Inireklamo siya ng biktimang si Myra Cruz matapos na laslasin ang kanyang bag at kunin ang kanyang cellphone at wallet sa palengke dakong alas-11:50 ng umaga.

Nang dinala sa himpilan ng pulisya, sinabi ni Ferry na agad niyang nakilala ang suspek.

May nakabinbing warrant of arrest para sa pagnanakaw ang suspek na inisyu ng Aritao-Sta.Fe, Nueva Vizcaya Municipal Circuit Trial Court.

AUTHOR PROFILE