Tingog

Pinakamalaking sport complex sa Iloilo itatayo sa tulong ng Tingog Partylist

April 28, 2024 Mar Rodriguez 95 views

Tingog1Tingog2Tingog3PINANGUNAHAN ni Tingog Partylist Representative at House Committee on Accounts Chairperson Yedda Romualdez ang groundbreaking ceremony ng itatayong Tingog Asenso Quinto Sports Complex sa Northern Iloilo State University (NISU) – Sara Campus, Iloilo, noong Abril 27, 2024.

Itatayo sa loob ng sports complex ang isang multi-purpose building na mayroong 3,000 metro kuwadradong stadium, 400 metrong field track at 10,300 metro kuwadradong football court.

Ang sports complex ay napondohan sa tulong ng Tingog Partylist katuwang ang Team Asenso na pinangungunahan ni Iloilo, 5th District Representative Buboy Tupas at Iloilo 5th District Provincial Board Member Binky Tupas.

Ito ang kauna-unahang at pinakamalaking sports complex sa Iloilo, na magsisilbing ‘tinig’ (Tingog) at pag-unlad (Asenso) ng mga manlalarong nangangarap na maging kinatawan ng Pilipinas sa malalaking kompetisyon.

Ang sport complex ay magagamit din para sa recreational activities, community gatherings, cultural events, at iba pang mga aktibidad para sa pagpapabuti sa kalagayan ng buong lalawigan.

AUTHOR PROFILE