Default Thumbnail

INA hinimok si Isko na tumakbong Pangulo

September 16, 2021 People's Tonight 262 views

BUMUO ang mga pinuno ng ‘Solid North’ ng grupo na ‘Isko Northern Alliance’ (INA) upang himukin si Mayor Isko Moreno na tumakbong Pangulo ng bansa sa darating na 2022 election.

Nagsagawa ng virtual launch via zoom ang ‘Isko Northern Alliance’ (INA), nitong Sept. 15, 2021, kung saan nakilahok virtually ang mga lead convenor ng IM Pilipinas na sina Thomas Orbos, dating Metropolitan Manila Development Authority general manager at transportation undersecretary; Philipp Picco; Bong Mangahas; Cicero Lumauig; Bong Siquin; Warlito Daus; at Florante Gerdan, Sta Fe Nueva Viscaya, former Pres. & COO- Pore Point Dev’t Corp.

Nais ipabatid ng mga prominenteng political leaders buhat sa Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Pangasinan, Abra, Cagayan, La Union at Cordillera na walang katotohanan ang sinasabing ‘Solid North’ na suporta sa mga Marcoses at mga kaalyado nito sa administrasyon kung kaya bumuo sila ng grupo na tinawag nilang ISKO North Alliance (INA) at itinutulak na tumakbong Presidente ang isang hindi Ilokano sa katauhan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Sa pakikipag-alyansa sa Ikaw Muna (IM) Pilipinas, ipinahayag sa publiko ng mga pinuno ng INA ang kanilang paninindigan kung bakit naniniwala silang ang isang pinanganak sa Maynila na may Visayan descent leader ang makapaglilingkod ng tapat sa interes ng bansa.

Ayon sa INA babasagin nila ang tinatawag na ‘Solid North’, kaya bumuo sila ng grupo na humihikayat at sumusuporta kay Isko para tumakbong bagong Pangulo ng bansa.

Sinabi ni Orbos, na epektibo at mahusay na tinugunan ni Moreno ang Covid-19 pandemic.

“Dapat magkaroon ang isang pinuno ng mga katangiang tulad ng simpantiya sa mga tao, at isang pinunong tumutupad ng kanyang mga pangako hindi lamang sa pamamagitan ng mga salita kundi pati na rin sa gawa, bukod sa iba pa,” ayon kay Orbos.

“Ang kanyang ginawa at ginagawa pa rin niya sa Maynila ay mula sa kanyang puso, mula sa kanyang hangaring makatulong sa mga mamamayan sa Maynila. Inaasahan kong magagawa rin niya ito para sa buong bansa,” dagdag ni Orbos.

Ayon kay Mangahas, nais nilang magkaroon ng isang pinuno na handang isakay sa isang bangka ang bansa at handang itong isagwan.

At para sa kanila si Isko ang taong nais ayusin ang kinabukasan ng bawat Pilipino.

Naniniwala ang grupo na hindi sila bibiguhin ni Mayor Isko sa kanilang kahilingan na tumakbo itong bagong pangulo ng bansa at maaaring sa mga susunod na araw magdedeklara na ito.

Dagdag pa ng grupo na panahon na para ibalik ang dangal ng bayan na matutungunan lamang ito ni Mayor Moreno.

AUTHOR PROFILE