SMALL TIME–Ang naarestong suspek sa pagnanakaw sa loob matapos masundan ng mga operatiba ng Delpan police station. Kuha ni Jon Jon Reyes
Binata huli sa pagnanakaw
TIKLO sa mga miyembro ng Manila Police District-Delpan Police Station 12 ang binata dahil sa robbery sa selda ng Manila City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City noong Sabado.
Bandang alas-5:40 ng hapon ng magtungo ang mga operatiba sa nasabing kulungan at muling inaresto ang suspek na si alyas Michael, 26, ng Crisolita St., San Andres, Maynila.
Hinuli ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Andy Levera, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 4 ng Maynila.