Suspek NALAMBAT–Ang suspek sa pagpatay ng maaresto ng mga operatiba ng Manila Police District sa Baseco. Kuha ni Jon Jon Reyes

Murder suspek nalambat sa Baseco

April 7, 2024 Jonjon Reyes 84 views

NASAKOTE ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District ang isang lalaki dahil sa kasong pagpatay sa Baseco compound sa Port Area, Maynila noong Biyernes.

Kinilala ni Police Lieutenant Col. Emmanuel Gomez, hepe ng nasabing istasyon, ang suspek na si alyas Gani.

Ayon kay Police Lt. Armando Dela Cruz.Jr., hepe ng Warrant and Subpoena section, bandang alas-11:00 ng tanghali naaresto ang suspek sa Block 14, Old Site, Brgy. 649, Baseco Compound.

Sinabi ni Gomez na lagi niyang pinaalalahanan ang mga pulis na maging responsable sa pagpa-patrol tuwing sila’y naka-duty.

AUTHOR PROFILE