Ruru Larawan mula sa IG/@bianxa

Bianca super sweet kay Ruru: ‘Ikaw ang ilaw ng buhay ko’

December 5, 2023 People's Tonight 192 views

KILIG ang hatid ng last minute birthday greeting ng aktres na si Bianca Umali para sa kanyang nobyong si Ruru Madrid.

Sa kanyang Instagram page nitong Lunes, 11:59 ng gabi, Disyembre 4, humabol ang aktres para batiin ang ‘Black Rider’ actor para sa ika-26 kaarawan nito.

“Sa dami ng mga taong maguunahan na bumati sayo, gusto ko ako na ang mahuli. Maligayang kaarawan sayo, Mahal ko,” sey ni Bianca.

“Wala na akong hihilingin pa na ibang makakasangga ko sa buhay na ito kundi ikaw. Kahit pa, kung meron man, sa mga buhay na nakaraan o sa hinaharap – ikaw at ikaw parin,” pagpapatuloy niya

Saad pa ng aktres na blessing ang turing niya kay Ruru. Nabanggit din niya kung gaano kabuti bilang tao ang aktor.

“Isa kang biyaya sa akin at sa mga tao na minamahal mo, tinutulungan mo at binibigyan mo ng inspirasyon. Taglay mo ang isang puso na napakabusilak at naguumapaw sa kabutihan,” wika ni Bianca.

Hindi ako magsasawang alagaan ka, ipagmalaki ka at piliin ka sa araw-araw. Alam kong alam mo na mahal na mahal na mahal kita. Itaga mo sa bato. Andito lang ako. Ikaw ang ilaw ng buhay ko,” dagdag pa niya.

Tila na-touch naman si Ruru sa mensahe sa kanya ng nobya.

“Salamat sa lahat lahat Mahal ko, alam mo kung gaano kita pinahahalagahan sa buhay ko. Ikaw ang buhay ko,” komento ng aktor sa post ni Bianca.

AUTHOR PROFILE